FDCP MASTERS FILM FESTIVAL


pizap.com13571769226121Ipinahayag kamakailan ni G. Briccio Santos, pangulo ng FDCP o Film Development Council of the Philippines ang malapit na nilang ilunsad na bagong proyektong ‘FDCP MASTERS FILM FESTIVAL’ (Sineng Pambansa Special Edition).  Ayon sa kanya   batikang mga direktor ng pelikulang Pilipino ang itatampok sa nasabing event, narito ang ilan sa kanila : CARLOS SIGUION REYNA (“Ikaw Pa Lang Ang Minahal”, “Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin” , “Hihintayin Kita sa Langit” , “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin” , “Ang Lalake Sa Buhay Ni Selya”) ; ELWOOD PEREZ (“Bilangin Ang Bituin Sa Langit” , “Ibulong Mo Sa Diyos”  , “Silip”  “Ang Totoong Buhay Ni Pacita M.” , “Stepsisters”) ; MEL CHIONGLO (“Sibak: Midnight Dancers”, “Burlesk King” , “Twilight Dancers” , “Lagarista” ,  “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” , “Babaeng Hampaslupa” “Sinner Or Saint” , “Company of Women” , “Lahar” “Lucia”) ; CHITO ROÑO (“Private Show”, “Itanong Mo sa Buwan”,”Laro sa Baga”, “Dekada ’70” , “Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?” “Patayin Sa Sindak Si Barbara [Remake]). Balita ring magbabalik-pelikula dito si MIKE DE LEON (“Itim”,”Kakabakabakaba”, ‘Kung Mangarap Ka’t Magising”,”Sister Stella L.”). Idagdag na rin sa listahan ang pangalang  Gil Portes, , Joel Lamangan, Joey Reyes, at Peque Gallaga para sa isang matatawag na monumental na pagsasama ng mga pinakamatinik sa larangan ng film-making dito sa atin! Sa lawak ng karanasan at pagiging bihasa sa paglikha ng mga obrang aninong gumagalaw, marami ang umaantabay sa kaganapan ng proyektong ito na katatampukan ng mga kani-kanilang indielikula! ABANGAN!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s