VIVA 2013!


pizap.com13569537592711Naaliw ako sa mga panahong ganito. Mga panahon kung kailan sadyang banal datapwa’t inilihis na ng komersyo ang tunay na katuturan.  Kaaliw-aliw dahil ipinagbubuklod nito ang mga kapamilya at tunay na mga kaibigan upang pagsaluhan hindi ng pagkain kundi ang pagmamahalan sa isa’t isa.  Sa isang bansang tubog sa buto ang Kristyanismo, hindi na natin dapat pang pag-isipan kung gaano katindi tayong mga Pilipino na magdiwang ng kapaskuhan at bagong taon.  Harinawang isantabi na natin ang mga di kaiga-igayang mga pangyayari nitong nakaraang 2012 at magsimula sa tama sa darating na 2013! Magsikhay at maging malikhain sa buhay upang huwag laging nakasandal sa kung saang pader na di naman dapat… Ibulong sa hangin ang mga masaganang dasal at ilibing sa kawalan ang mga namayapa upang di maging sagabal sa pagbubukas ng mga bagong pinto tungo sa kaunlaran.  Maging totoo sa sarili sa lahat ng pagkakataon kahit na sa mga masalimuot na sitwasyon, walang mas masigabong kalutasan ang anumang sigalot kundi ang katotohan.  Isiping tangan lagi ang liwanag sa kaluluwa at nang huwag mapariwara sa karimlan ang hindi dapat.  VIVA 2013!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s