Peque Gallaga’s ‘SEDUCTION’ OPENS IN CINEMAS NATIONWIDE ON JANUARY 30, 2013!


seductionposter

Peque Gallaga’s ‘SEDUCTION’  Starring: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati , Solenn Heussaff and Jon Orlando

JUN LALIN WRITES : Noong Biyernes ng gabi, nagkaroon ng press visit sa set ng pelikulang Seduction na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at Solenn Heussaff. Wala sa set si Sarah, pero nandoon si Jay Manalo na kasama rin sa pelikula.

Grabe ang mga papuri ni Direk Peque Gallaga sa kanyang mga artista sa Seduction. Tuwang-tuwa rin ang batikang direktor nang sabihin ko sa kanya na official nang Enero 30, 2013 ang playdate ng Seduction at sila ang pambuena mano ng Regal Entertainment.

Sa pagkukuwento ni Direk Peque, sobrang sexy ng kanyang pelikula, kaya inusisa siya ng entertainment press kung may butt exposure ba sa Seduction si Richard, pero wala raw.

“But definitely, nagpakita siya ng flesh,” sey ni Direk Peque.

Inusisa namin si Richard na baka kaya sobrang puri sa kanya si Direk Peque ay dahil may balak ito na kumbinsihin siya na magkaroon ng butt exposure sa shooting nila sa Caramoan. Tawa lang nang tawa ang binata.

“May love scene pa nga akong kukunan sa Caramoan, pero, let’s see. Hindi ko alam kung ano ang ipagagawa ni Direk Peque sa akin,” sey niya sabay tawa.

Sabi pa ni Direk Peque, maraming sex scenes sa Seduction, pero ayaw pa niyang ikuwento kung anu-ano ang mga ‘yon.

Magugulat na lang daw ang mga makakapanood ng pelikula…

One comment on “Peque Gallaga’s ‘SEDUCTION’ OPENS IN CINEMAS NATIONWIDE ON JANUARY 30, 2013!

  1. Kala ko ba isasabay ito sa movie ni John Loyd, bakit naging 30 January 2013 ito ipapalabas. I’m sure natakot ang producer nito na itapat sa movie ni JL sa valentines day. true again.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s