ABOLISH MTRCB! NOW NA!


abolishmtrcbNananawagan ang ALIWAN AVENUE sa katinuan ng pamahalaang ito na tuluyan nang BURAHIN ang MTRCB o Movie & Television Review & Classification Board.  Bakit? Eh, Bakit naman HINDI? Dapat pagtuunan ng pansin ang mga kapalpakan ng ahensyang ito; dapat seguraduhin nating nasa tamang kahon ang bawa’t pinangangatawanang adhikaing nais nilang ipatupad.  Una, nakatatawa ang SPG.  Strict Parental Guidance.  Strict Parental Guidance?  Hindi ba’t ito’y isang pagpakita ng kawalan ng respeto sa tinatawag nating PARENTAL RESPONSIBILITIES?  Entonces, nais ipahiwatig ng ahensya na bigyan ng gabay ang mga tangang magulang na basta na lamang na hinahayaang panoorin ng kanilang mga anak ang kalaswaan, karumaldumal at hindi kaigaigayang palabas! Nguni’t kung tutumbukin natin ang isyu, hindi ba’t dapat nagmumula ang inisyatiba sa mga media outlets? Baket hindi sila ang bigyan ng regulating memorandum para sundin nila at nang masiguradong ang lahat ng kanilang ipapalabas ay naayon sa tamang pag-iisip at pangangailangang pang-aliwan ng bawa’t mamamayan.  Kung ganun din lang naman ang pamamalakad ng ahensya, di ba dapat na silang itakwil sa laot ng mga buraot? Ito ay dahil sa pambuburaot nila sa katotohanang ipinalalabas nilang iresponsable ang manonood, pwes, hayaan na lang nating magkandaleche-leche ang lipunang ito?  Kung censorship din lang naman ang gawain nila, bakit nila hinahayaang mamamayagpag sa ere ang mga pagmumukha nina WILLIE REVILLAME, BOY ABUNDA, CRISTY FERMIN , MIKE ENRIQUEZ , KORINA SANCHEZ,  KRIS AQUINO at marami pang iba na ang rinaradiate ay KALASWAAN? Malalaswa ang mga mukha nila nguni’t hinahayaan pa rin ng MTRCB? Biruin ninyong ini-expose tayo sa mga panooring ang mga tauhan ay mga bersyon ng iba’t ibang itsura ng pwet ng mga hayop? Kung ganito na lamang lagi, dapat segurong i-ABOLISH na nga lang ang MTRCB na ‘yan at bahala na tayo sa mga remote control o pipiliing sine!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s