Muli kong nasilayan si JAMES PINCA kagabi dahil pareho kaming kasama sa LET’S CELEBRATE 12.12.12 ni Throy Catan na ginanap sa Music Box Comedy Bar sa Timog. Mas matikas ang dating niya at well-defined as in toned masyado ang kanyang kakisigan. Hind maipagkakaila na isa siya sa itinuturing na ‘great find’ noong 2011 nang magbida siya sa PRIVATE NIGHTS at LARO ni Vince Tan. Refreshing kasi ang bukas ng mukha niya while being a delectable hunk to beat on the side. Sa matipid na batian namin naitanong ko kung ang ano ang latest film work niya nguni’t sa pagngiti niya ay idineklara niyang magku-QUIT na raw siya sa showbiz! Hindi ko na inurirat pa kung ano ang mga nakatagong kadahilanan nguni’t marahil ay may mga personal siyang prayoridad ngayon na inaasikaso kung kaya’t mamarapatin niyang lumihis papalayo sa makulay, magulo at masayang mundo ng mga aninong gumagalaw. Well, desisyon mo yan James at bilang isang kaibigang may crush sa’yo, I can only wish you the best!
Dec
13
2012