Mukhang isa pa at triple whammy na sana ang 12.12.12 ng hunky, sexy indie actor na si RAIN JAVIER! Biruin mo ba namang kajoin na siya sa show extravaganza na “LET’S CELEBRATE 12.12.12” sa MUSIC BOX COMEDY BAR ; aba naman, magbubukas din ang pinagbibidahan niyang indie film na ‘MARCIE’! Defining moment na ring matatawag ang indielikulang ito dahil ginagampanan niya ang isang transvestite na sumuong sa iba’t ibang masalimuot na eskinita ng buhay upang matumbok ang tunay na kahulugan nito. Si Rain Javier si MARCIE! Kasama niya rito sina Savannah Lamsen, Eugene Tejada, Jeffrey Santos, Brylle Mondejar, Kurt Kevin Lander, at Mark Gonzales. Ito ay sa direksyon ni Gerardo Calagui at mula sa YellowBeamPictures. So bago pumunta sa Music Box sa Timog, nood muna either sa Remar (Cubao), Robinson’s Galleria (Ortigas) o sa MarketPlaceMall (Kalentong)!
Dec
11
2012