SISTERAKAS : IWASAN SA MMFF2012


sisterakasSeguro naman kung may katinuan pa kayong nalalabi sa inyong katawan, NEVER kayong manonood ng SISTERAKAS! Ito ay kwento ng isang bakla at dalawang babaeng nangarap maging bakla kaya binabakla nila ng bonggang-bongga ang mundong kanilang hindi na dapat pang galawan.  As usual, wala na naman itong matatawag na ‘sustansya’ at kung gusto mong tumawa pagmasdan mo na lang ang mga mukha ng mga pulitikong epal at masisiyahan ka pa.  Hindi ito comedy kundi isang paglapastangan sa katinuan ng bawa’t aksidenteng makapanood. Kung kaya’t hinihikayat ang lahat na labanan ang mga pelikulang ganito upang matigil na ang mabangong kabaliwan na lalong naglulugmok sa sambayanan tungo sa batis ng katangahan! Ang perang matitipid ninyo sa hindi pagpanood nito ay perang maiipon para sa kinabukasan o kung may sobra naman sana ay ipadala na lang sa mga NGOs upang maitawid ang gutom ng mga nasalanta ni PABLO sa ComVal!