I haven’t been myself lately. I have been relentless exposed to a cretinous show as it goes overtime before the show I wanted to watch. Of course I am talking about ‘WILTYM BIGTIME’ , a dole-out anti-establishment tv fare that is patronized by losers and quick- fortune seekers. It is beyond a proper thought process of how such a feeble concept could have crept into our midst without anyone assessing (or merely noticing) it properly for the sake of money. Indeed I feel that some are nosebleeding at this very moment kaya naman revert ang byuti ko! Kakalurkey talaga ang show na itey. Parang iniinsulto nila ang DSWD at ang gobyerno kung makapamigay ng pera na para bang sinasabi nila habang namumudmod ng : “Ayan mga pataygutom! Maglaway at magpakasasa kayo sa kakarampot na pera mula sa demonyo!”. Para kasi sa isang bansang technically ay naghihikahos ang pagyayabang ng pera like say, limang libo para magspell ng ‘noontime’ ay isang kabalintunaan sa katinuang kailangan ng sambayanan. Imbes na magsikhay, nagtitiyaga ang mga kababayan nating mga hampaslupa na makaamot ng panandaliang pagkakaroon ng salaping kay bilis ring mawawaglit. Itinagas na rin ng host na si WILLIE REVILLAME na ang titulo ng kanilang show ay babaguhin sa paglipat nito sa tanghali next year: ‘WAWAWILLIE’. Such an imbecilic take mula sa noontime show ng ABSCBN noong kanyang kasibulan sa nilayasang network na ‘WOWOWEE‘ … walang konek. Walang buhay ang title at namumutiktik na bad feung shui! Dapat kasi pinag-iisipan nilang mabuti ang mga title na yan. Kung kinontak sana nila ako at pinag-isip sa halagang ikatutuwa ko malamang na ang ibibigay ko ay ‘WILTYM NOONTYM’. Simple at may quick recall na dynamic ang dating. Of course ang magiging spelling ng WA-WA-WILLIE ay WOWOWILLIE as in ‘WOW‘ pero ang spoken reception nito ay WAWA as in KAWAWA NAMAN KAYONG MGA PATAYGUTOM, HAMPASLUPA AT MGA DALITA! Wow, dapat nag-iisip naman kahit konti ang TV5 bago tanggapin ang mga ganung konsepto lalo na at sa gitna ng milyones nilang pagpapaluwal ay kulelat pa rin sila sa ratings!
Dec
4
2012