ANGELO ILAGAN & ROB JOSEPH : Magkasama… Magkasalo?


Angelo Ilagan & Rob Joseph

Superexcited si Chiririt Misomiso sa isang larawang kanyang natunghayan sa aking wall na ipinost ni Throy Catan. Superexcited siya at biglang napatumbling na tama naman at binubuksan ko ang aking bagong side sliding door at tuluy-tuloy siyang tumimbuwang papalabas! What’s with all the excitement na superO.A.? Well dahil nakita niyang magkasama ang dalawa sa kanyang iniidolong chunky hunks.  Ang isa ay sumisikat na dahil sa kanyang tiyaga at syempre angking talino… ang isa naman ay nagbabalik. NAGBABALIK? Yes. Nagbabalik. Muntik na siyang sumikat ng bonggang-bongga nang bigla siyang naglaho sa sirkulasyon ng syobis.  Maraming hakahaka na diumano ay nalulong sa masamang bisyo at kung anek-anek pa. Nguni’t nang masumpungan siya ni Throy Catan sa BK Timog, mukha naman itong maayos at poging-pogi pa rin!  Kaya ayun nakunan ng larawan sina ROB JOSEPH , upcoming heart-throb at ni ANGELO ILAGAN.  May konek silang dalawa kung hindi nyo alam. Si Rob ang gumanap sa stage adaptation ng ‘SARONG BANGGI’ , ang pelikulang pinagbidahan naman ni Angelo.  Ngayon, sa ilalim ng mga mapagpalang pakpak (pakpak?) ni Throy ay may posibilidad na magkasama sila sa isang proyekto na under covers pa at hindi pa puedeng ichikkanets! Abangan sina ROB at ANGELO sa lalong madaling hinaharap sa kanilang mga film at tv projects!  Welcome back, ANGELO ILAGAN , and hope you stay for the longest time this time!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s