JANINE TUGONON : EPITOME OF A ‘THANK-YOU-GIRL’!


BB Pilipinas-Universe JANINE TUGONON

Ayoko talagang maging negative. Maraming umaaray tuwing medyo namamangil na ako dahil alam nilang marami na akong pinanggalingan at hindi ako iresponsableng tao na pandadaut ang favorite past-time.  I always have good wishes but this time medyo hindi ko makumbinse ang sarili na bigyan ng pagkakataon ang sarili na isiping magkakaroon na tayo ng pangatlong MISS UNIVERSE .  No, Chiririt .  Katulad ng aking nabanggit somewhere within this period, baka next year pa tayo suswertehin.  Sorry JANINE TUGONON… ayokong bigyan ka ng false hopes pero do your best.  Hindi ko kasi maintindihan ang BB Pilipinas Charities, hindi extensive at intensive in the same breath ang kanilang pangangalap ng mga contestants.  Dapat iwasan na ang mga recycled contestants; mga mistisa na halos walang alam tungkol sa Pilipinas; mga pokpok na nagpapadagdag lang ng presyo; mga wala lang magawang di naman kapangitan pero lacking in charm.  Dapat hagilapin nilang mga kandidata ay yaong mga kayumanggi at matatas managalog at may kombiksyon ukol sa mga bagay-bagay sa lipunan.  Ang dapat talaga MAGANDA. Sori uli Janine Tugonon, FAIL ang kyeme-kyemeng COBRA WALK mo. Yes, prayers ang kailangan mo but prayers will only bring you to Las Vegas and once there , enjoy your being a ‘thank-you-girl’ dahil hindi ka mangangamoy sa semi-finalist list. Sorry talaga. But then… who knows the aparador?

UPDATE : Yes, nag-who-knows-the aparador nga! Sumakay sa TOP5 si Janine at lumanding na 1st RUNNER UP… but then THANK YOU GIRL pa rin ang RUNNER UP. Ano ba ang runner up? Wala. Second rate claimer to fame lang at walang value whatsover. Konswelo-de-bobey lang yan. Well, on the brightside, sunud-sunod na runners up in the last years kaya seguro next year ay magkakaroon na tayo ng chance na magkaroon ng 3rd MISS UNIVERSE!