JOKE! JOKE! JOKE!


Well, it’s that time of the year kung saan ay umaatikabo na naman ang mga reunion , kitakits at eyeball-an! So , dapat may dala tayong mga JOKES na armas laban sa dead air! Korek , dapat puno ang bawa’t sandali ng ating mga pagsasama-sama ng kumustahan , kwentuhan at patalbugan ng JOKES! Kaya, naglakbay ako sa mundo ng internet para makahanap ng mga bagong patawa… Hindi po akin ang mga ito at kung naisali ko na hindi nabibigyan ng credits ang may-ari , eh pasensya na po… tao lang po na nais matawa! Matawa? Heto ang mga nakalap ko lately…

01.

T: Ano ang tawag sa taong wala nang baga?
S: Wala lung

02.

Isang araw sa isang fastfood chain…

Crew: Goodmorning sir ano pong order niyo?
Lalaki: isang spaghetti  tsaka isang large softdrink.
Crew: Dito niyo po ba kakainin sir?
Lalaki: Uhm, pwedeng sa table na lang? Nakakahiya kase kung dito may nakapila pa sa likuran?
Crew: Sa table ho? Ayaw niyo po bang sa plato para di baboy tignan?

03.

Everyday, the ugly undergoes five stages of grieving in front of the mirror.
Stage #1: DENIAL. “Maganda ka, girl!”
Stage #2: ANGER. “Shit! Sawang-sawa na ‘ko sa mukhang ‘to! Sumpain ka, Shrek!”
Stage #3: BARGAINING. “Lord, puwede bang i-reincarnate mo na ako? Pagandahin mo na ‘ko. Kahit ako na ang pinaka-poor, mapasaakin lang ang mukha ni Cleopatra.”
Stage #4: DEPRESSION. “Hay, nanay ko! Saan mo ba ako ipinaglihi? Hu! Hu! Hu! Hu!”
Stage #5: ACCEPTANCE. “Hay, naku! Love me for who I am!”

04.

BOY 1: tol, panget ba ako?
BOY 2: Panget nanay mo, panget tatay mo, tas panget kapatid mo…Ano ka? himala?

05.

“matipid na lola & lolo” went to Mcdo, ordered 1 happymeal.hati sila sa food pero
si lola lang ang kumakain,nanonood lang si lolo…

crew: ‘lo bakit si lola lang po ang kumakain,di ba hati kayo?
lolo: oo,gamit pa kasi niya ang pustiso, antay ko siya matapos…

06.

Juan: Pedro, bakit ang pandak mo?
Pedro: Kasi bata palang ako, ulila na ako.
Juan: Eh ano naman relasyon non sa pagiging pandak mo?
Pedro: Walang nagpalaki sa akin.
… OO NGA NAMAN!

07.

SOSY SI INDEY!
Amo: Inday, paalisin mo nga ‘yung pulubi sa labas ng bahay.
(Nilabas ni Inday.)
Inday: Off you go! Under no circumstance this house would relent to such unabashed display of vagrant destitution!
Pulubi: Oh! I’m so ashamed! Such a mansion of social climbing freaks!

08.

Klase ng Tao Ayon sa UTOT:
– Walang tunog pero ubod ng bantot – plastik ka!
-Mahina ngunit may konting sundot ng bantot – simple lang pero rock.
-Malakas ang buga, walang amoy – puro ka salita, kulang sa gawa, nonsense.
-Malakas na, mabaho pa – totoong tao ka! Saludo ako sa iyo!

09.

POLLUTANTS?
Obama: What are the pollutants in your country?
Jinggoy: We have lots of pollutants.. ..we have sisig, kilawin,
chicharon, mani
Erap: Anak, may nakalimutan ka, Boy Bawang (cornik)

10.

NAISAHANG MADRE SUPERYORA!
Isang madre (M) ng lumapit sa mother superior para mangumpisal
Madre : Ngayon ako’y nagtanpisaw sa batis ng kasalanan dahil sa tawag ng laman

Mother superior : paano nang yari yun???

Madre : si father po pumasok sa kwarto ko kagabi at sabi nya sa akin na ang pinto ng langit ay nasa pagitan ng aking dalawang hita at nasa kanya daw po ang ang susi kaya ipinasok nya sa pinto ng langit…

Mother superior : TARANTADONG PARI yun SUSI pala yun? Sabi nya saken trumpeta ni San Gabriel ! Isang buong taong nyang pinatotorotot sakin!!!

11.

BEST PICK UP LINES!
lalaki:miss apoy ka ba?
babae:bakit?
lalaki: alab you kasi..
babae:ang haba ng begote mo?
lalaki:eh,ano ngayon…
babae:ahit you….
12.

Q&A
Q: Ano ang theme song ng mga lesbians?
A: Kapag TUMIBO ang puso by Donna Cruz!

Q: Sino ang Fil-Am na katulong na nagsisilbing archaeologist kapag day-off niya?
A: Si Inday Anna Jones

Q: What is depot?
A: Apelyido ni Winnie

Q: Ano ang tawag sa madaldal na isda?
A: Talak-i-talkQ: What did the prawn say after eating too much?
A: I’m busugpo!

Q: Sino ang paboritong artista ng mga butanding?
A: Si Donsolueta

Q: Where is the best place to give someone a high five?
A: A pier!

Q: Anong lugar sa QC ang maraming Lychees???
A: NovaLYCHEES!

13>>> MORE from Pinoy Jokes!

LOOSE TALKS LOOSE JOKES …

Magsyota sa motel
BOYFRIEND : Alam mo mahal, …Ikaw ang kaunaunahan na dinala ko rito…
GIRLFRIEND : Sinungaling, bakit kilala mo yung mga receptionists sa lobby? sabi nila lagi ka raw rito…
BOYFRIEND : OO nga, pero ikaw lang talaga ang babae…
===================================
Honeymoon…
GROOM : Kaya mo ito, dadahan-dahanin ko.
BRIDE : Kinakabahan ako. Baka di ko mak

aya.. Parang natatakot ako.
GROOM : Kaya mo ito. Di ba dati may alaga kang sawa at mga ahas?
BRIDE : Oo nga, mga exotic animals yon, pero. . .
GROOM : Anong pero, huwag kang matakot.
BRIDE : Pero, . . .pero takot talaga ako sa bulate eh!
===================================
Sa Ospital…
NARS : Duktor, bakit nyo tinanggihan yung pasyente kanina?
DUKTOR : Saan?, sa Delivery room?
NARS : Hindi, yung nasa Receiving room.
DUKTOR : Ahhh, yung bakla’.
NARS : Opo, Baka sabihin may discrimination tayo, porke bakla siya.
DUKTOR : Nakuuu!, ano naman ang raraspahin ko sa kanya?
====================================
Sa korte …
JUDGE : Ano ba talaga nangyari ha?
NASASAKDAL : (Hindi nagsasalita’)
JUDGE ; Sumagot ka na sa tanong…
NASASAKDAL : Naku! Akala ko eh hearing lang to. Bakit may speaking ?

One comment on “JOKE! JOKE! JOKE!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s