BARON GIESLER : ARESTADO NA NAMAN!


UPDATED :NAKALABAS na ang aktor na si Baron Geisler sa kulungan kaninang umaga. Batay sa ulat sa radyo, ito ay matapos na iurong ng complainant na si Raymond Dela Rosa, kapitbahay ni Baron, ang reklamong physical injuries laban aktor. Ayon pa sa ulat, sinabi ng kuya ng aktor na si Donnald Geisler, na nagkasundo na ang kanyang pamilya at pamliya ng sinapak na kapitbahay. Humingi na rin aniya ng tawad si Baron kay Dela Rosa.Mula sa piitan, idiniretso ang aktor sa kanilang bahay sa East Fairview, Quezon City. Nakatakda namang komunsulta sa doktor ang aktor ngayong araw upang matiyak na walang nangyari dito sa loob ng kulungan.

Buong akala ng lahat na makaraang marehab dahil sa substance abuse ay maayos na at tuluy-tuloy sa pagbabago si Baron Giesler. For a while ganun na ang nangyari at nakabalik siya sa pag-aartista at nanominate pa nga dahil sa kanyang galing sa pag-arte. Ngunit ngayon heto at may hindi kagandahang balita na naman sa kanya mula sa ABSCBN news :NEWSFLASH ! NEWSFLASH ! Arestadong muli ang aktor na si Baron Geisler matapos umanong magwala at manapak ng kapitbahay sa Marlboro street, Barangay East Fairview, Quezon City. Kwento ng sinapak na si Raymond Dela Rosa na nakaaway umano ng aktor, dumating sa harap ng kanilang sari-sari store ang lango umano sa alak na si Geisler saka nagwala at nagsisigaw dakong alas-7:00 kagabi. Nang kumuha na umano ito ng silya at ihampas sa pader, dito na sinita ni Dela Rosa si Geisler. Nang tanungin niya umano ito kung ano ang problema, bigla na lamang siyang sinapak ni Geisler dahilan upang gumanti siya. Agad namang dumating sa lugar ang mga pulis matapos itawag ng mismong tiyahin ni Geisler ang insidente. Sa panayam naman ng Radyo Patrol kay Geisler kagabi, inamin nitong nagalit siya. “Nagkataon, I came a brat. Nagalit ako,” mabilis na pahayag ng aktor. Nakakulong na ngayon sa Quezon City Polica Station 5 si Geisler. Ayon kay SPO2 Raymundo Paligutan, desk officer ng QCPS 5, nahaharap si Geisler sa kasong physical injuries at malicious mischief in relation to Republic Act 7610 o Violence Against Women and Children. Kakabit ito ang reklamong child abuse na inihain ng asawa ng sinapak na si Deliza Dela Rosa. “Allegedly, sabi nung complainant yung babae, nasaksihan ng batang three years old, umiyak nang umiyak. Parang na trauma raw,” paliwanag ni Paligutan. Nakatakda namang isagawa ngayong araw ang inquest kay Baron sa Quezon City Hall.

By eklavumer Posted in balita

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s