AGA MUHLACH FOR BARANGAY CAPTAIN!


 

Yez Chiritrit Misomiso, Minumuhlach ang earth sa kagagahan mo! Avah, di ba bagay sayo ang terminong ‘yan? Baket kasi ang lakas ng kutob mong may pag-asa ka sa pulitika samantalang diskarte mo pa lang eh , semplangkangkang na? Wala bang nagpapayo sa’yo o nambobola man lang na dapat ay kumiss-da-ground muna ang byuti mo bago ka mamayagpag sa mas mataas na burol? Hello ka rin kasi.  Alam mo, dapat ay taos-puso mong pinaghandaan ‘yang balakin mong ‘yan. SANA as in SANA ay mga twenty-years ago kang umuwi, nagpabahay at namalagi sa sinasabi mong iyong hometown.  Nagpakalat ka ng kagandahang-loob at sinipat mo ang mga malalim na suliraning panlipunan doon at pinakialaman. Sa ganun sanang paraan ay WALANG BUTAS na masisilip sa adhikain mo ngayong maging lehislador.  Nag-iiwan kasi ng masansang na lasa sa dila ng mga tagaroon na bigla mo silang aangkining kababayan, magtatayo ka ng bahay at tatakbong lehislador.  Hello? Saan ba ang kongreso , di ba nasa kamaynilaan? Entonces, pagnanalo ka sa Maynila ka rin mamamalagi at hindi mo dama ang tugmang pintig ng mga konstityuwentong iyong sinasabing pagsisilbihan.  Hwag ka sanang pabigla-bigla Chiririt.  Hwag agad matayog ang dating.  Dapat pagsabihan mo rin si AGA MUHLACH na tumakbo munang BARANGAY CAPTAIN sa San Jose, Camarines Sur upang madama niya ang pagiging isang trulalung Bikolano at mapag-aralang maigi kung paano sila mabigyan ng magandang serbisyo. GO!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s