So what if I wanna feel profound today? So what if I just wanna lay down let my flab flow through the sheets and wonder why in a thousand little pieces of doubt? O, divah? And why not naman? Once or twice in a lifetime maganda rin yaong maalala mo kung kaylan ka nagpakalalim. At nagpakatanga. Bet ko ring maalala kung kaylan ko pinaghirapang isipin ang magiging titulo ng post na itey. Ewan ko kung may konek na ang bida of the moment ngayon ay may six degrees of separation sa akin dahil pamangkin si VIN ABRENICA ng naging bestfriend ko noong college days sa Batangas City, hence touching a soft spot. Pero kung tutuuusin, sobra naman ang ginagawang pandadaut sa binata ng ilang mga entertainment press pa mandin. Hindi natin alam kung personal ito o sadyang ganito ang kalakaran dahil mas nagkakaroon ng leverage ang mga naging kalaban ni Vin sa Artista Academy. Biruin mo ba namang sabihing ‘poor third’ lang daw o ‘niluto’ ang judging samantalang wala namang itulak kabigin sa tatlong lalaking finalist (pati na rin sa mga girls)since they all deserved to be declared winner. Maraming mga pasaring na sobrang maka-alimango ang dating. Imbes na ipagbunyi ang isang tinanghal na winner ay pilit nilang binabahiran ng malisya ang pagkapanalo nito. Unfair. Unfair! Sabi nga nila: In a game, whoever wins won! So, whatever the rest of the evil showbiz world says about VIN ABRENICA is just a speck of dust to the success he has achieved!
Related articles
- Double A victory on ‘Artista Academy’ (entertainment.inquirer.net)