DANITA PANER UMALMA SA PANGHIHIPO NI MIKE TEMPLO!


NEWSFLASH : Personal na nagtu­ngo sa himpilan ng Pasig City Police Station ang isang pop-rock si­nger at actress at inireklamo ang isang news anchor na umano’y nanghipo sa biktima sa isang restaurant sa Pasig City, kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ni SPO4 Ge­miner Tinge, ng District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) ng Pasig City Police ang biktimang si Danita Gomez Paner, 23; anak ng aktres na si Daisy, at asawa ng dating basketbolistang si Manny Paner, ng Eisenhower St., North Greenhills, San Juan City.

Ayon kay SPO4 Tinge, ipina-blotter ni Paner ang suspek na nagngangalang Mike Templo, na umano’y news reporter ng TV5.Sa pahayag ni Paner, alas-12:30 ng hatinggabi noong Oktubre 25, habang kumakain umano sila ng kanyang mga kaibigan, kasama si JC de Vera sa Local Restaurant sa City Golf sa Julia Vargas Ave., Pasig City, nang bigla na lang umanong lumapit sa kanilang lamesa ang suspek na si Mike Templo, na noon ay parang umano’y nakainom at hinipo ang magkabilang legs ni Paner, na naging dahilan upang mapahiya ito sa kanyang mga kasamang kaibigan at maging sa ilang mga kustomer ng Local Restaurant na naroroon. Lumilitaw pa sa naging pahayag ni Paner na nang magpunta umano si JC de Vera sa comfort room ng restaurant ay sinundan pa umano ito ni Templo at hinamon ng away subalit agad umanong namagitan ang mga kaibigan ni Pa­ner kaya naawat ang dalawa. Si Danita Paner ay dating napapanood sa TV5 sa teleserye na My Driver Sweet Lover na pinagbibidahan nito at ng aktor na si JC de Vera. (ABANTE)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s