noynoy aquino : WALANG URBANIDAD!


“You know, let me just share this joke. I kept laughing when I got it. It said, ‘Our fellow Filipinos who are corrupt use luxurious cars, so expensive and fast. But when they want to escape, they use a wheelchair.” -Noynoy Aquino sa kanyang speech sa NZ

Mantak mang isiping pagbibiro lamang daw ang pagyutilisa ni NOYNOY AQUINO ng ngayon ay sikat nang ‘wheelchair’ joke patungkol sa pinalitan niyang pangulo, hindi pa rin puedeng palampasin lamang ang kanyang kawalang pitagan sa sarili.  Minsan na siyang binatikos nitong nakaraan dahil sa kanyang pagiging ‘mahadera’ at ‘hindi makapag-move on’ nang tuyatuyain niya ang ilang mga personalidad na ang mga gawi ang hindi diumano nakapagbibigay sa kanya ng kasiyahan.  Nakapagtatakang walang pag-aalalay na ginagawa ang kanyang mga alipores upang tupdin ang mga pagpapalaganap ng mga pananalitang lubhang nakababahala para sa isang taong namumuno ng isang lahi.  Napaghahalata na tuloy na wala siyang ipinagkaiba sa kanyang bunsong kapatid na ang tingin sa mundo ay isang ngunguyaing chewing gum lamang.  Ganito nga ba ang bunga ng ating mga pagsisikap na makamit ang katinuan sa pamamahala? Anong uring landas ang ating tinatahak habang tayo ay pinamumunuan ng isang daldakinang dalahira? Hindi naman masamang magkaroon ng light moment ang isang talumpati at gumamit ng ‘joke’ , pero lubhang lihis sa konteksto ng mga kaganapan ang gawing katawatawa ang isang karamdaman ; maging sino at ano pa man siya. Ayon sa isang masusing panunuri’t pagtuligsa, ngayon lamang nagkaroon ang Pilipinas ng isang pangulong WALANG URBANIDAD.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s