SUPERSTAR NORA AUNOR : GINAGAWANG ‘BAWANG’ NG TV5?


Nagdiwang ang mga fanatics ni Superstar Nora Aunor nang magdesisyon siyang umuwi at muling sumabak sa larangang kanyang minahal.  Maraming mga ispekulasyon nguni’t dahil nga at siya ay  kagya’t nang kinontrata ng TV5 na namumutiktik raw sa pagmumudmod ng malaking tf , nasegurado ang ilang doubting Thomases na magiging maganda ang anumang proyektong kasasangkutan ng 59 year old comebacking actress.  Pinalakpakan nga naman ang kanyang teleseryeng ‘Sa Ngalan Ng Ina‘ kahit na nga hindi nito nakabog ang ratings. Maya’t maya ay napagkikita siya sa mga liveshows ng network ni Manny V., nguni’t higit pa roon ay wala na.  Heto nga at sa kanyang pagsalang muli sa showbiz makaraang magbakasyon ng saglit sa Amerika ay walang klaradong project na pangungunahan niya kundi ang mga pagSAHOG sa kanya sa iba’t ibang walang brilyo at zero-excitement na palabas ng TV5. Lately, balitang kajoin siya bilang reyna engkantada of sorts sa kanilang plastic flowers telefantasy. Hanggang ganun na lang ba ang kaya nilang ibigay sa nag-iisang SUPERSTAR?  Pansahog na lang na parang BAWANG? She sure deserves better exposure than merely being an ‘accidental’ addition para lang mabayaran ang ilang clauses sa kanyang kontrata. Hello? Hello?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s