MATT EVANS ARESTADO!


 

NEWSFLASH : Arestado ang aktor na si Matt Evans matapos umanong saktan ang live-in partner at bayaw nito.  Ayon kay SPO1 Lardy Ignacio ng Pasig City Police, inireklamo ng magkapatid na sina Johnelline Hickins at Juan Alberto Carlotta ang aktor kagabi. Una umanong nanakit si Evans sa kanyang live-in partner na kapapanganak lang noong isang buwan.  Inawat lang umano ni Juan Alberto si Evans, dahilan para naman masipa siya sa mukha.  Agad namang dumating ang kinatawan ng Star Magic at abogado nito ngunit tumangging magbigay ng komento hinggil sa kinasangkutan ng aktor. Gayunman ay bukas umano sila mag-iisyu ng pahayag kaugnay sa insidente. Bukas isasampa ng Pasig Police ang mga kasong Violation Against Women at Physical Injuries laban kay Evans, na nakakulong ngayon sa Pasig City detention cell. Report from Dexter Ganibe, Radyo Patrol

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s