Can this only happen in the Philippines? Dito lang ba sa ating industriya nagaganap ang isang di-kanaisnais na gawi kung saan ay PAULIT-ULIT na iniINTRODUCE ang isang artista? Hindi ba sapat na minsanan na lang ang pagpapakilala pagkatapos ay kilalanin na siyang ‘totoong artista’? Hindi na ba natin nirerespeto ang kaugalian ng pagpapasintabi sa mga unang nagpala sa isang hilaw at wala pang katas sa pag-arte na isang baguhan? Ganito ang kaganapang ating biglang napansin nang bumulaga sa cyberworld partikular sa FaceBook ang poster ng isang kalahok sa malapit nang gaganaping digital filmfest ng isang cable channel kung saan ay nakalagay na INTRODUCING si ADRIAN SEBASTIAN. Hello? Hindi ba taga-earth ang mga nasa produksyon nito at hindi nila sinubukang i-GOOGLE ang pangalang ito para mabigyan siya ng karampatang pagpapupugay sa poster? Ipinanganak lang ba sila the other day at wala silang kamalay-malay na si ADRIAN SEBASTIAN ay INTRODUCING na sa indielikulang ‘TAKSIKAB’ ni Archie del Mundo noong isang taon? Nang magcomment ako sa poster na nasa FB wall ng direktor ng nasabing entry, mukhang na-offend pa siyang itanong ko ang ganun. Naroon pang nagPM siya upang sabihing: ” and please next time personally message me and not write on my wall where people read it. hardly anyone saw taxicab. i have an audience. please give my space some respect.” ‘HARDLY ANYONE SAW TAXICAB(TAKSIKAB)?’ Hello? Maayos na naipalabas ang ‘TAKSIKAB’ sa mga digital theaters at para sa nakaraang taon isa ito sa mga matatawag nang BLOCKBUSTER dahil umabot ang kinita nito ng mahigit sa inaasahan. Hindi justified ang sinabi pa niyang wala siyang pakialam kung nabobother ako at introducing uli ang Bulakenyong si Adrian. Actually, nakakabother kasi lumalabas na binabalewala ang lahat ng previous efforts upang mapatingkad ang isang talento. Ilang workshop at publicity ang walang pagdadamot na iginawad ng Astral Productions sa kanya. Kahit na sabihing LEAD ROLE raw ito, puede na segurong ibandera sa kanilang poster na ‘… AND ADRIAN SEBASTIAN IN HIS FIRST MAJOR MAJOR ROLE’ , o divah? May dignidad pa at hindi pahirapan muli ang madla na re-introduce pa siya. Dapat kasi lagi tayong nakaapak sa lupa. Banal ang pagpapahalaga sa anumang pinanggalingan maging ito man ay pipitsugin o sosyal, dapat sa industriya ng pagkukunwari, sa labas nito totoo tayong tao… KAKABOTHER LANG KASI… Kakabother na minsan ang URBANIDAD ay sumasama sa DELICADEZA pag nagbakasyon. DISRESPECT is just like RESPECT… it is EARNED! Choz.
HETO ANG PROOF:
‘TAKSIKAB’ STILLS, PROMO & BTS SHOTS (FaceBook Page)
Nanyayari po yan kaya lang pinapalitan ang pangalan .
they should loose the ‘introducing’ tag .
ano pong pelikula yan????
PUBLICITY PLOY ITOHHHHH! IMMATURE PLUGGING!!!! HAHHAHAHAHA
Tama. tanggalin na lang ang ‘introducing’… na-introduce na pala eh.
insulto nga naman sa talent ito, kumbaga eh nilaga mo na, piprituhin mo pa uli baka dapat ihawin rin bwahahahaha tanga naman ng ibang tao oo.