Ansaveh? Tanong pa rin. Bakit kailangang ilihim kung mabubunyag din lang naman sa dulo ng madramang prusisyon? Ang sagot? Upang patuloy na magkaroon ng mga pelikula. Hindi baga? Nguni’t kung ang isang lihim ay inilibing sa sementeryo ng katangahan , wala ring mapapala ang sinuman kahit kaylan. Ganun lang kapayak ang katuturan ng mga lihim Chiririt Misomiso… talo lagi ang mga napapariwara. At kung mismong gawing titulo ng isang pelikula ang ‘A SECRET AFFAIR’, may saltik pa rin kaya sa atensyon ng balana? Puwede. Lalo na kung ang kwento ay masinop na nilila sa katauhan ng mga artistang gumaganap. May panalo ang pelikulang ito ni NUEL NAVAL para sa Viva Films dahil sa casting pa lang ay kontrobersyal na ang dating. Ang pinakabidang si DEREK RAMSAY ay nasa rurok ng kanyang kakisigan at patuloy pa ring pinagpapantasyahan ng mga kababaihan at sangbekihan lalo na’t tumiwalag na ito kay Angelica Panganiban ; si ANNE CURTIS na unti-unting nagkakamit ng respeto sa industriya dahil sa kanyang dalawang acting awards na natanggap at si ANDI EIGENMANN, na matagal ring pinagtsismisan dahil kay bata nitong naglandi at nabuntis. Casting coup kung tutuuusin at malamang sa hindi ay ipagpapaliban ni Aling Myrna ang isang maghapong kainan , matustusan lamang ang kanyang kagustuhang lumaya sa hirap ng buhay at makidawdaw sa pinilakang kwento ng kataksilan. Dahil sweet si Direk Nuel, panonoorin ko ito at pikit-matang bibigyan ng isang mataas na rating. Rating? Choz.
parang NO OTHER WOMAN lang…binago lang mga punchlines…hanu bah yan?