BLAME NOT THE BULLET BUT THE SHOOTER!


Hindi na ako gasinong naaaliw sa sobrang O.A. nang reaksyon ng madla sa kampanya laban sa ‘plastic bags’ at mga kauri nitong non-biodegradable waste. Sobra na kasing nililihis ng mga nagdunong-dunungan ang isyu.  Itinuturing nila itong isang nilalang na may sariling isip na nagpapalaganap ng katiwalian sa sambayanan. FAIL. Napakaistupidong pamantayan ‘yan sa harap ng kaganapang trahedya ng delubyong nagaganap tuwing kamakalawang bumubuhos ang ulan.  Mistulang kinokondena na ngayon ang industriya ng paggawa ng plastic dahil ito raw ang puno at dulo ng lagim na dulot ng pambabara nito sa natural na lagusan ng tubig baha. FAIL uli.  Dapat nating isaisip as in i-refresh sa thoughts ang katotohanan na walang kasalanan ang plastic kung TAYO MISMO. Yes, Anita (kung sino ka man) it is how we treat and dispose our garbage that really is the issue.  May paraan upang itiklop at itabi ang plastic at kung ito ay maayos na isakatuparan mas makakatulong ito sa atin.  Nasaksihan ko na kasi ng makailang beses kung paano biglang bumigay ang papel na pambalot ng isda at karne sa palengke , which I find really insane.  NASA TAO mismo ang katiwalian, lalo na sa pagtrato natin sa plastic. Think Anita. Think! Choz.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s