For the longest time, laging aligaga ang industriya ng pagkukunwari at kaplastikan sa paghahanap ng mga bago at sariwang mga artistahin upang isabak sa mundong may pangakong kasikatan at kayamanan. Kaya naman kay raming mga kabataan na nagugumon sa pagsali sa mga samu’t saring reality star search shows. Minsan nang umariba ang STARSTRUCK against STAR CIRCLE QUEST ; kung saan ay mas promising ang mga nasa Starstruck compared to SCQ. Lubha pang nadungisan ang SCQ nang pinanalo nila si Hero Angeles na kagya’t ring bumitaw sa network na nagkandili sa kanya dahil sa problema niya sa ‘ate’ niyang si ‘tude’. Choz. Bongga naman sina Mark Herras at Jennilyn Mercado sa 7 dahil nagbloom talaga ang careers nila and later ay nagkarigodonan na ng mga contenders ng kanya-kanyang search. This time kakaloka ang pinasukan ng GMA na tinawag nilang ‘PROTÉGÉ’ as if hindi pa sila natuto sa una nilang ginawang singing star search na sa awa ng kanilang mga katangahan ay puro duldulin ang pinanalo nila. Ow, come on. Sila-sila lang ang mga nagdedesisyon kung sino ang dapat itanghal na winnur. This time, mga artista ang kanilang mga mentor of course at umikot pa sila sa buong bansa ng mga mauuto, este, magiging kasali. The height of kacheapan ang show at ewan kung mayroong sociological survey silang isinagawa upang magabayan ang tamang pamamalakad nito. Gosh, tabi-tabi po sa mga mentors na ‘yan, sobrang dugyutin ang mga itsura at wala silang kredibilidad kahit pa sabihing aksidenteng sumikat sila. So in short, GMA’s PROTÉGÉ SUCKS BIGTIME!
Ang ARTISTA ACADEMY naman ng TV5 ay very promising. Maayos ang flow at maayos di hamak ang mga fezlaks ng mga kasaling hopefuls. May sinusundang pamamaraan ang takbo nito na hindi ka malilito o maapektuhan in dark way. Following the academic trend, masasabing ARTISTA ACADEMY ROCKS dahil matino ito at well-edited, sabihin pang well-thought of ang bawa’t episode!
Related articles
- International Actress MARIFE NECESITO Laments ‘Clique’ System In Indie Film Community (aliwanavenue.wordpress.com)
- What Ails The Showbiz Industry? (aliwanavenue.wordpress.com)
- OFW Voice: Atin pong pakinggan (ofwempowerment.com)
puros walang karapatan ang mga mentors na pinili! maging mga judges wal silang karapatang maging judges noh!
lalo na sa dos