XIXI MATURAN’s XIXIsms : LoOse LeSsoNs


In a few hours  Xixi Maturan is turning 56.  56? Yes.  An age perfect for spreading some wisdom to whom it may concern.  An age where orgasm isn’t that qualified enough to ignite euphoria… an age where XIXISMS are born!  These are loose lessons you may take to heart or definitively shrug off like a dead fly.  UPDATED as it happens.

lesson #40 : NEVER LIE TO YOURSELF. Ang daming taong ang hilig ay magsinungaling sa sarili. Kung sinasarili lang sana lagi , eh di fine. Pero minsan dahil sa kakulangan ng matinong pagninilay ay nagiging bisyo na hanggang sa ang buong daigdig ay gagawing isang malaking kaplastikan ; kung pagkakakitaan , eh di fine uli kaya lang dapat laging handa dahil bigla na lang na may babatok sa’yo, tangina mo.

lesson #8 : NEVER BEG FOR A JOB. it only demeans you further… kasi iisipin ng lahat na kaya ka walang mahagilap na magawa sa buhay dahil you are TOO WHINE-y… so why invest on you?

lesson #26 : ALWAYS LOOK FRESH. pag sariwa ang dating mo kahit medyo kulang ka sa ganda, papatusin ka pa rin sa palengke. it is freshness over beauty. aanhin mo nga naman ang gandang anne curtis kung bilasa ka na di ba?

lesson #31 . NEVER BE PRESUMPTUOUS . NOT with anything at all. Laging magpasintabi lalo na kung alam mong may atraso ka o minsan ka nang napagsabihang adelantado. Isaisip lagi ang kahihiyang maidudulot mo sa iyong pinagmulan kung barubal ka sa social world.

lesson #37 : DO NOT SHARPEN YOUR KNIVES IN PUBLIC. Kapag lagi mong hinahasa ang labaha ng iyong katangahan sa harap ng sambayanan, lalo mong pinupurol ang mga dahilan upang paniwalaan ka. Pakaisiping ang kagaguhan ay pinsan ng malisya kung kaya’t sa dulo ng landas mukha mo ay sa aso.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s