Basagan ba ng trip ang hanap? Well, I’m sorry pero makaraan ang mariin at masinop na pagninilaynilay sinabayan pa ng matalinhagang pagmumuni-muni, narating ng ALIWAN AVENUE ang isang listahan kung saan ay bibigyan pugay ang sampu sa pinakamatinding artistang babae na naganap sa industriya ng pelikulang Pilipino hanggang sa mga oras na ito. Sampu lang kasi aapaw na pag sumobra pa rito. Tanggapin man nating marami pang ibang dapat ay nagsumiksik sa listahan pero dahil sariling diskarte ito ay tinapyas na at nakasisiya rin naman ang kinahinatnang listahan…
MERCEDES CABRAL. Siya ngayon ang tinaguriang INDIE QUEEN. Sa lahat kasi ng mga nagsulputang mukha, si Mercedes ang bukod tanging namayagpag ng walang pagpapasubali sa pagpalaganap ng kanyang sining sa bawa’t sinalihang indielikulang digital. Mahirap nang tawaran ang unang sinalihang SERBIS kung saan ay nagmistulang kanbas ang kanyang mukha at hinayaang pintahan ito ni Brilliante Mendoza ng sari-saring anyo.
NORA AUNOR. Kahit iiwanang blangko ang bahaging ito, maraming eksenang papainlanlang sa ating mga balintataw lalo na’t mahigit nang apatnapung taon na siya sa industriya. Matindi ang pinarating niyang damdamin sa HIMALA, TATLONG TAONG WALANG DIYOS, MINSA’Y ISANG GAMUGAMO at marami pang panooring kay hirap mawagli’t sa alaala.
ANITA LINDA. Beterana. Walang dudang isa siyang bantayog at imaheng dapat tularan ng bawa’t artista. Sa kanyang edad ngayong mahigit 80, patuloy pa rin siyang nagiging sangkap upang mapatingkad ang mga pelikula ng bagong henerasyon. Klasikal nang maituturing ang kanyang ipinamalas sa TATLO DALAWA ISA.
HILDA KORONEL. Nakatatak na si INSIANG sa ating mga isipan. Sa edad niyang 18 ay naihubog siya ni Lino Brocka bilang isang henyo sa larangan ng pag-arte.
CELIA RODRIGUEZ. Mas lalong nakilala sa pagiging maldita dahil sa kanyang pagkamestisa, mayroong mahabang listahan ng matining na pagganap si Manay Celia lalo na sa LILET at LA PALOMA.
MARICEL SORIANO. Nagsimulang child star at nahubog sa pagdaan ng panahon, nakilala ring mataray nguni’t nang mabungaran siya sa HINUGOT SA LANGIT ni Ishmael Bernal itinayo niya ang sarili bilang isa sa mga pinakamatinding artista ng kanyang panahon.
DINA BONNEVIE. Underrated si Dina. Napakarami niyang pagganap na buong husay niyang ginampanan nguni’t sa di maunawaang dahilan ay iilan lamang sa mga ito ang nabigyan pansin. Mula KATORSE hanggang sa GUMAPANG KA SA LUSAK ni Brocka , masasabing may sarili siyang genre na iginawad sa industriya.
VILMA SANTOS. Syempre, si Ate Vi ang template ng histrionics… tilian at sigawan at kahit pa umeemote ay pilit pa ring makikita ang ganda. Kamado niya ang pagbibigay buhay sa papel na mukhang sadyang isinulat para sa kanya.
JUDY ANN SANTOS. Malalim ang pinaghuhugutan marahil ni Juday. Nailalabas niya ang ubod ng mga karakter na iniatang sa kanya. Nakakabahala ang kanyang pagganap sa ISABEL at mukhang marami pang panindak siyang maihahain sa madlang manonood.
LOLITA RODRIGUEZ. The Drama Queen. Tunay na larawan ng isang artistang ramdam mo ang hiningang ikinabit sa bawa’t papel… siya talaga si Kuwala sa TINIMBANG KA NGUNI’T KULANG!
Reblogged this on leydicu and commented:
nice..
mali yang listahan ninyo kulang sa research ang gumawa niyan or simply kulang sa karanasan ng phil movie industry! ang mga flovor of the month at charcter actors ay hindi dapat kasali dyan dahil napakaraming naging flavor of the months(wag kayong masilaw sa sandaling kinang ng kanilang stars) at magagaling na character actress! eto ang tamang list TOP PILIPINO ACTRESS: lolita rodriquez, nora aunor, vilma santos, gloria romero, susan roces, amalia fuentes, marlene dauden, charito solis, barba perez, celia rodriquez!
mali at incomplete!
I understand what you are trying to say @mike… but if you noticed this is a personal choice so if you have your own that will just be fine. please do make your own list. with regards to research, i beg to disagree … this post was well-thought of before it saw light on this blog. thank you for your visit and effort to comment. if you noticed sa opening pa lang ay : :Basagan ba ng trip ang hanap? Well, I’m sorry pero makaraan ang mariin at masinop na pagninilaynilay sinabayan pa ng matalinhagang pagmumuni-muni, narating ng ALIWAN AVENUE …” The inclusion of MERCEDES CABRAL is not an accident, in such a short time in the industry she has been a part of 30 indiefilms and each of her performance is commendable. I do not know you personally or your ‘authority’ when it comes to local entertainment but i trust my own judgement as you should with yours.
…kasali naman sa TOP30 ang ilan pa sa binanggit mo . although sa bottom part sina amalia , susan , at barbara kaliga nila sina alma moreno etc.
never kaliga nila amalia, susan si alma moreno, hindi siya dekada or mga dekada naging bida! never siya kalevel ng 2 nsabing artista!
ah ok trip mo lang pala at matalinhagang muni muni mo lang pala! its ok i thought its a serious choice! trip din ng mga butangera maging top action actress si annabelle rama via monster mommy!
ACTUALLY there never IS a ‘serious’ choice OR list , what we have here is a diminutive assessment of an ideal list… and YES, AMALIA AND SUSAN AND GLORIA ARE ALL WITHIN THE ‘LEAGUE’ OF ALMA MORENO’S ACTING STYLE, only a CRETIN would not say that!
I agree with this list! the likes of gina alajar, charito solis, rio locsin, etc do trail down the line. not surprised though with mercedes cabral, such a brilliant actress … she is hilda koronel to brilliante mendoza’s brocka. great list! no wonder aliwan avenue is one of the most-read entertainment in blogsphere!
gusto ko ang listahang ito. masusing pinag-aralan at katanggaptanggap. natawa ako dun sa pilit na siniksik si susan at amalia, ok fine naging reyna sila pero kung body at quality of work ang pag-uusapan so-so lang sila. think before you click dapat. LoL.
oi nice list! TAMA ANG LISTAHANG ITO! i totally 100% agree. koooorrrrreeeeekkkk nakatatawang isali sa top10 sina susan , amalia at gloria…
congratulations aliwan avenue! matino ang listahang ito ng 10 pinakamagaling na babaeng artistang Pilipino! mabuhay!
Hindi dapat kasama sa list si dina, judy anne, maricel at celia rodirguez. walang mga significant performance/s ang mga nasabing aktres although they are competent performers. mas deserving si mona lisa, gina alajar, gina pareno, at alicia vergel! yan ang consistenly good actresses.
nakalimutan ko si nida blanca rin deserves to be in the list!
Tama rin ang comment … na sina AMALIA, SUSAN AT GLORIA ROMERO are undeniably THE MOVIE QUEENS! But they are not great actresses!
@eklabume @ arnold martirez mga bobo! manahimik kayo walang karapatang magbigay ng responsible list! mg lalake n lang pagkaabalahanan ninyo! gloria, amalia and susan are three greatest actress who reigned the phil movies in many decades!
I was about to trash this comment of ‘mike’ whose email add is : jeffmichaelbanez@yahoo.com ;(some delusional soul who is from within the las piñas area)for such strong accusation of some people being ‘bobo’ . ‘bobo’ afterall is a word applicable to people who use it as often as they poop or breath their fart. people who use such word should stand up to an IQ test before they use it on others. This listing is final, and if you have problems with it ,’MIKE’, i suggest you come up with your own and post it a hundred times in YOUR OWN BLOG and canonize your favorite actresses until you drool out of your innards. strong suggestion for someone as cretinous as you!