“Overwhelming” might be a cliché but then abusive as it may, last night’s premiere of Carlos Morales’ ‘BAYANING PEPE’ was just that. Sobrang daming lumusob sa Cinema 9 ng SM Manila para maging bahagi ng unang pagpapalabas sa publiko nito. Naroon of course si Ms. Susan Lao ng BigDreams Production at ang main cast na sina JOSEPH BITANGCOL , LLOYD ABELLA at BJ GO. Naging usap-usapan actually ang akting na ipinamalas ni LLOYD ABELLA na kahit na nga masasabing baguhan ay napaka-igting ng kanyang mga eksena! Maraming mensahe ang indielikulang ito para sa mga kabataan; mga detalyeng sinaliksik upang maipalutang at mabigyan ng sariwang anggulo ang iba’t ibang bahagi ng buhay ni GAT. JOSE RIZAL lalo noong kanyang kabataan. Bagama’t may ilang pagkukulang sa disenyo at senaryo; napunuan naman ang mga ito sa galing ni Joseph, Jane Oineza, BJ Go, Lei Arellano at ni Lloyd. Naroon din syempre si LIZ ALINDOGAN, dahil contract star ng kanyang BRIGHTLINE ENTERTAINMENT si Lloyd. Maraming press people din ang dumalo na sina Dennis Adobas, Boy Villasanta, Veronica Samio, Maridol Ranoa, Art Tapalla, Ronald Rafer at Mell T. Navarro. Here are some memorable shots of the night:
Related articles
- ‘Bayaning Pepe’ Premieres August 17 @ Sm Manila Cinema 9! (aliwanavenue.wordpress.com)
CNU PO YUNG MGA CAST
wow…joseph bitangcol is back…parang walang nangyari sa kanyang mukha after the accident…lalo pa yatang bumata…paano ko kaya sya mameet?
Cnu-cnu po yong bumubuo sa inyong pelikula?