SEPTEMBER 1 SHOW :
Contact Alem at (Globe) +639178110217
(Sun) +639228992536
(Landline) (02) 9645456
Muling bubuhayin ni EUGENE DOMINGO ang ‘BONA’ ni Superstar Nora Aunor nguni’t sa pagkakataong ito ay sa entablado. Hinalaw at mas pinatingkad nina Layeta Bucoy (isang Palanca awardee playwright) at director Soxie Topacio ang konseptong obsesyon ng isang matandang dalaga bilang tagahanga ng isang kasali sa isang reality talent search at hindi ang sa orihinal na istorya ng pelikula noong 1980. Kumbaga, updated na si ‘Bona’ dahil isa siya ngayong call center agent na kargado sa gadgets. Sa ginanap na presscon , tinanong ko si Eugene kung ano ang kanyang ‘obsesyon’; sinabi niyang ‘coins’ ibig sabihin ay mas mahalaga sa kanya ngayon ang makapag-impok para sa kinabukasan. Matindi ang dalawang eksenang nilirip mula sa pagtatanghal; sa una, kasama niya si Joey Paras bilang isang matalik na kaibigang bakla na kasama sa trabaho at kasama sa pangalawa si Edgar Allan Guzman kung saan ay isang di-inaasahang halikan ang naganap. Nang tanungin si Edgar kung ano ang lasa ng labi ni Eugene, nabanggit niyang ‘matamis’. Bagama’t mas accessible na ngayon ang mga pelikula, patuloy pa ring pinagsisikapan ng PETA na abutin ang halos lahat ng uri ng manonood.
Tatakbo ang ‘BONA’ mula Agosto 24 hanggang Setyempbre 23 sa PETA Theater Center. Para sa iba pang detalye tumawag sa 7256244, 0917-5765400. Bumisita rin sa PETA THEATER o TICKETWORLD.
Related articles
- Eugene Domingo IS “Bona” (aliwanavenue.wordpress.com)
- POETRY: A Dedication (jessrelgilbuenasteps.wordpress.com)