rEMEMBERtHEfACE : MS. ANGIE FERRO


Ms. Angie Ferro is MAYOR EVA MORALES in ‘ANG MISIS NI MEYOR’

Iconic Character Actress. ‘Yan ang puedeng i-tag sa isang ANGIE FERRO. Batikang aktres sa tanghalan, pelikula at telebisyon.  Bawa’t papel na ginagampanan niya ay maihalintulad sa isang matingkad na larawan ; mariing nakatatak ang mga linya at kulay sa dapat nitong kalagyan. Isa siya sa mga orihinal na bumuo ng PETA na pinamunuan noon ni Cecille Guidote-Alvarez.   Kung tama ang nakalap natin mula sa kanyang filmography, una siyang nasilayan sa ‘SANTIAGO’ noong 1970 at mula noon ay naging sangkap siya sa mga malalaking panooring Pilipino sa loob ng halos apat na dekada na. Kinasuklaman siya ng mga fans ni Superstar Nora Aunor dahil sa matinding pang-aaping ginawa niya rito sa ‘ATSAY’. Kabi-kabila rin ang tv guesting nya at ang pinakahuli ay sa ‘AMAYA’.   Natypecast mang mataray, tsismosa, malisyosa at kontrabida sa anumang anyo, lalong tumingkad ang kanyang pangalan sa industriya.  Sa  latest project niyang ‘ANG MISIS NI MEYOR’ , gumaganap siya bilang si Mayor Eva Morales at biyenan niya rito si Melba (MARIFE NECESITO) sa anak niyang si Marco (Marco Morales).  Labis ang pasasalamat ni Marife, (na siya ring producer) ang patnubay at pag-aalalay sa kanyang pagganap  na iginawad ng kanyang ‘ina-inahan’ sa kanya at kay Marco.  “Laging may ngiti at cheerful lagi si Tita Angie sa set, supersupportive siya at nararattle kapag nangangarag ako dahil sa aking pagiging artista at prodyuser ng ‘Ang Misis Ni Meyor’, ani pa ni Marife.  Pakaabangan ‘ANG MISIS NI MEYOR’, sa panulat at direksyon ni ARCHIE DEL MUNDO at mula sa EightFoldPath Productions. Kasama rin ditto sina Joem Bascon, Angelina Kanapi, Bong Cabrera, Julio Diaz, Maria Isabel Diaz at marami pang iba.

MS. ANGIE FERRO’s FILMOGRAPHY (Incomplete)

1. Santa Mesa (2008) (completed) …. Lita
2. “Daisy siete” …. Adora / … (2 episodes, 2005-2006)
– Landas (2006) TV episode …. Adora
– Ang pitong Maria (2005) TV episode …. Lola
3. Ebolusyon ng isang pamilyang pilipino (2004) …. Puring
… aka Evolution of a Filipino Family (Canada: English title: festival title) (International: English title)
… aka Ebolusyon ng pamilyang Pilipino (Philippines: Tagalog title)
4. “Darating ang umaga” (2003) TV series …. Salve
5. Uod sa laman (1998)
6. Mother Ignacia – Ang uliran (1998)
… aka Mother Ignacia (Philippines: Tagalog title: short title)
7. Mananayaw (1997)
… aka The Dancer
8. Apoy sa puso (1992)
9. Pedro Tunasan (1983)
10. Darna at Ding (1980)
11. Bakit may pag-ibig pa? (1979)
12. High School Circa ’65 (1979)
13. Roberta (1979) (as Anggie Ferro)
14. Katawang alabok (1979)
15. Diborsyada (1979)
16. Atsay (1978) (as Aggie Ferro)
… aka Edgardo M. Reyes‘ Atsay (Philippines: English title: complete title)
17. Pagputi ng uwak, pag-itim ng tagak (1978)
… aka When the Crow Turns White, When the Heron Turns Black (International: English title)
18. Sudden Death (1977)
19. Tutubing kalabaw, tutubing karayom (1977)
20. Patayin mo sa sindak si Barbara (1974)
… aka Celso Ad. Castillo’s Patayin mo sa sindak si Barbara (Philippines: Tagalog title: long title)
… aka Kill Barbara with Panic (Philippines: English title)
21. Zoom, Zoom, Superman! (1974)
22. Dalawa ang nagdalantao sa akin (1974)
23. Lipad, Darna, lipad! (1973)
… aka Fly, Darna, Fly! (Philippines: English title: literal title)
24. Santiago (1970)

 

One comment on “rEMEMBERtHEfACE : MS. ANGIE FERRO

  1. Comment ni BarneyBrownBear sa Pinoy Film Buffs : I find Angie Ferro’s voice soothing. Kahit kontrabida ang roles, or nagtataray, hindi pa rin masakit sa tenga. And her acting is always sober; hindi mo masasabing OA. But what is admirable is that she played the same role in the original and remake of “Patayin Sa Sindak si Barbara”, a rare feat.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s