Baka naman kasi sabihing bias ang Aliwan Avenue sa pagpost ng posters at trailers ng mga isoshowing na pelikulang Pinoy,(actually somewhere in a very distant past, naifeature na ito) hinabol na lang itong pasabi tungkol sa showing ng ‘JUST ONE SUMMER’ ng GMA Films. As usual, hindi natin masasabi kung papatok ito kahit pa sabihing trak-trak raw ang JULIELMO fans dahil sa kalamidad nitong nakaraang linggo. But then who knows? Kahit na kasi walang sex appeal sina JULIE at ELMO, puede na ring pagtiyagaan ng mga kabataang wala lang magawa kundi lumangoy sa tinatawag na fan mentality. Wala naman segurong bago sa konseptong ‘teen movie‘ ang JOS; but then malay naman natin baka biglang maging freak hit ang walang kalatoy-latoy na title. Gudlak Guldilak!
Aug
13
2012