MAG-INGAT : MANDURUKOT SA AYALA/BUENDIA/GUADALUPE/ORTIGAS AREA!


Foto: Ғасєвффк Aят

Post ni Admin Ann ng Ғасєвффк Aят : Mandurukot sa BUS STOP sa BUENDIA. Pakitandaan tong mukhang to, may kasama siyang isang matangkad na lalaki mga 5’8 to 5’10 ang height. Actually, dalawang beses na kaming nagkikita nito. Pinost ko lang ulit to’ para maging aware kayo, lalo na sa mga kaibigan at taong nagwowork sa Makati area. Nung una kaming nagkita nito ay inunahan ako sumakay sa bus, tapos bababa siya. At the same time may dalawang tao sa likod mo na gigitgit sayo. Dahil sa nanunuod ako ng news at alam ko ang kanilang modus, aware ako sa posibleng mangyari. Buti naman walang nakuha sakin. Mga June 19, 2012 nung una kaming nagkita.

Second time na nagkita kami, ay ngayon August 2, 2012. Mga 9:20 ng umaga. Same location din BUENDIA BUS STOP papuntang Ayala or Makati area. Ibang modus naman ang ginawa nila.Dahil nauna akong sumakay sa lalaking nakabag. Hahampasin ka ng bag nya dahil naunahan mo nga siya. At pag nagreact ka, may papasok sa likod mo na kasabwat niya which is yung 5’8 5’10 na payat na lalaki. Buti ulit at walang nakuha sakin.

Nagtataka lang ako, ay may pulis naman around Buendia area, pero nangyayari pa rin ‘to. Siguro naman na pag may nawawalan ng gamit ay magrereport sa pulis tapos titignan nila yung area. Sana rin kung nawalan kayo ng gamit or nadukutan kayo within the area ay ireport nyo, posibleng isa ‘to sa mga mandurukot na kumukha ng gamit nyo. Mag-ingat na rin kayo dahil pakiramdam ko nasa isang hukay na yung paa nito at wag na kayong tumangkang lumaban dahil baka masaktan lang kayo at di natin alam kung marami sila.
Madali lang naman tandaan yung taong ito. Dahil sa buhok at bangs niya at yung bag niya ay iisa lang.
Yung kasama niya is about 5’8 -5’10 ang height na payat at maiksi ang buhok.

Alam ko ay may isa pa silang kasama pero hindi ko na namukhaan pero yung grupo ay may 3-5 members.
Please share this to your friends and relatives para malaman nila na may ganitong ngyayari.
Sana kainin sila ng konsensya nila at maawa sila sa mga taong nagpapakahirap magtrabaho.
SHARE AND BE AWARE!!!!!!!
I don’t own rights to this image.

One comment on “MAG-INGAT : MANDURUKOT SA AYALA/BUENDIA/GUADALUPE/ORTIGAS AREA!

  1. sige po, noted na po yan. ingat sa mga grupo na naka-bag pero wala namang laman. ginagamit nila yan para hindi makita yung kamay nila sa gagawin nilang pandurukot.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s