WALANG TIGIL ANG ULAN …


FotoCourtesy: Von Mercado

Hindi ko kinaya ang panahon.  Nang ayaw nang tumila ang ulan nitong mga nakaraang linggo ay para bang nilusaw nito ang ilang katinuan sa sambayanan.  Heto nga sa walang patumanggang pagbuhos dala ng habagat ay dinilubyong muli ang malaking bahagi ng Luzon at sa mataong lungsod ng Maynila.  Wala nang naging oras para ihambing ito sa Ondoy na noong 2009 ay sumalanta at nag-iwan ng matinding bitak sa ating mga alaala.  Buntot lang ito ng bagyo nguni’t makulit at walang humpay.  Pabugso-bugso pero tone-toneladang tubig ang ibinabagsak.  Muli, parang mga daga (at kasama ng mga daga) na nabulahaw lalo yaong mga nakatira sa tabing-ilog at karatig nito. Naging dagat ang kalakhang bahagi ng Maynila at muli ay nasubukan ang  kalakasan ng loob at pagdadamayan.  Muli ay maraming paninisi ang lumutang habang sa mga panot na bundok ay nagbabadya ang mas matinding sakuna saka-sakali.  Naalala ko noong 1991 nang kinatha ko ang dulang MIASMA para sa SamaSining ng UPLB; mariin kong pinaalalahan sa pamamagitan ni Mariang Makiling ang sambayanan na ‘kumutan ang mga bulubundukin ng mga halamang kakawate, ipil-ipil at ibang katulad habang inaaaruga ang binhi ng mga matatayog na punong kagubatan’ …

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s