Sa kanyang pagkapanalo ng Best Actor nitong nakaraang Cinemalaya2012 para sa kanyang pagganap sa ‘OROS’, hindi maipagkakaila na maraming nakukyuryos kay KRISTOFER KING. Lumutang-lutang na rin kasi ang kanyang pangalan sa nakaraan lalo na’t monumental ang una niyang pelikulang BABAE SA BREAKWATER na obra ni Mario O’Hara. Maraming sabi-sabi sa tabi-tabi tungkol sa kanyang tunay na pagkatao at kung baket ang galeng-galeng nyang umarte , eh mailap pa rin ang katanyagan? So, heto na nga. Hindi na puedeng tawaran si KRISTOFER KING ( Christopher Reyes sa tunay na buhay) dahil naitaob nya ang mesa kay Coco Martin ng harap-harapan. Ang tanging ibig sabihin nito ay nasa dalisdis na siya ng rurok ng kanyang tagumpay at marami ang nag-aakala na tuluyan na siyang sasagipin ng mainstream. Sa katunayan nga ay nakatakda nang ipalabas ang teleserye nyang kasama si Senator Lito Lapid. Sa isang interbyu sa TV5, walang pangingimi niyang inamin na ‘kumapit siya sa patalin dahil kailangan’ ; isang mensaheng pahiwatig na totoong tao siya at wala siyang pakialam sa mga ‘buffering’ na ‘yan! Siya na nga kaya ang lalaking Rosanna Roces? Puede. Pero mas maangas ang dating, mas lalo siyang hahangaan ng mga manonood at aabangan ang bawa’t pelikula nya. Sa mga Kristofer King fans, alam na alam nila na ‘bottomless’ ang posibilidad ng maari niyang igawad sa bawa’t role na binibigay sa kanya. Matindi siya sa ‘Serbis’ at ‘Taksikab’ nguni’t mas kapansinpansin na sa gitna ng kanyang pagiging sekswal ay ang kanyang malalim at makabuluhang paggalaw sa bawa’t frame. Abangan ang tuluyang pamamayagpag ni KRISTOFER KING sa mundo ng Indielikula at pagtulay sa masalimuot nguni’t masayang dako pa roon ng Mainstream!
Related articles
- Why it’s better to clean your own mess? (kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com)
- Anti Spoiled Brat Rant (christineura.wordpress.com)
matagal ko ng kilala si kristoffer king…talagang mabait in person. nagtataka nga ako at bakit hindi siya masayadong naging masuerte sa movie carreer nya.thank god at nanalo siya sa recently concluded cinemalaya festival. isa siya sa mga local actors natin na nakatuntong sa canne filmfestival 2x in a row.para nga sa akin si kristoffer ang lalaking nora aunor at si coco martin naman ang lalaking vilma santos .
anyway i have a feeling na may communication ka sa kanya.please extend my regards to him and my warmest congratulations.pakisabi rin sa kanya that i still have his URIAN RECOGNITION CERTIFICATE and somr clippings of his CANNE FILMFEST experience.
i’ll be home this christmas…i don’t know his current cell phone number but hopefully i can return to him his personal memorabilias.
thanks and more power
friend from new jersey
Yes po. i will inform him about this. Thank you so much!
May email po ako sa inyo dun sa address na nakasama sa comment nyo…
I love watching Independent films especially they’re so raw, walang komersyalismo. I’m still waiting for other movies that has been shown years ago and still not avaialable sa dvd. Some of Mr. Brillantes movies are still not avaialable kaya how i wish to watch those movies. If you know of a link, do PM me and I don’t mind watching bootlegs kesa naman maghihintay ng dekada bago ilalabas sa CINEMA ONE eh puro commercial movies lang doon bibihira lang ang ganitong klaseng obra maestra’ng palabas. At any rate, more power to this owner’s blog and Kristofer King. Oh yeah, I’ve watched several times “Ang Babae sa Breakwater”
Good news guys meron siyang bagong indie film
please check this links:
Indayog..Sayaw ng buhay teaser: http://www.youtube.com/watch?v=0k7DLAZppVQ
Indayg…Sayaw ng buhay page: https://www.facebook.com/pages/Indayog-Sayaw-ng-buhay/444899685600868?ref=ts&fref=ts
congrats to kristoffer king for his nomination-URIAN BEST ACTOR. kailan kaya maalis sa movie industry ang star system at kilig factor…gusto ko batuhin ang tv screen ko pag may mga pelikula ang mga teen stars ng abs cbn…parang iniinsulto ang intellect ng movie going public.