XIXIsm Of The Day : Bagong Pakulo ni XIXI MATURAN!


Maituturing na ring for lack of better things to do ang mga pinaggagawa ng isang XIXI MATURAN.  Ito ay sa dahilang ninanamnam niya on a day-to-day basis ang mga nakalap na katuturan sa mga karanasan niya dito sa planetang Earth.  Yes, isa siyang alien from another consciousness na nasadlak sa isang bansang tinagurian na ngayong MORE FUN.  Kaya nakiki-More Fun na rin siya sa pamamagitan ng pagburda ng matatalinhagang linya sa kanyang FACEBOOK ACCOUNT.  It’s really a personal thing , pero aniya kung may maaaliw bakit naman hindi?  Huling napanood si XIXI MATURAN (bilang Kuya Goy) sa  award winning indie na ‘ANG MGA KIDNAPER NI RONNIE LAZARO’ ni Sigfreid Barros-Sanchez  na nagkaroon ng Manila Premiere nitong nakaraang Cinemalaya 8; at muling ipapalabas sa UP FILM CENTER sa darating na Sabado, Agosto 4 sa ganap na alas 7 ng gabi. Mayroon din siyang cameo  sa ‘ANG MISIS NI MEYOR’ ni Archie del Mundo na pinagbibidahan ni Marife Necesito … abangan! WaChoz mga KaAliwan!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s