DENNIS TRILLO & JM DE GUZMAN : MAINSTREAM HOTTIES @ CINEMALAYA 8!


Sa listahan ng mga pelikula sa ilalim ng New Breed category sa CINEMALAYA 2012 , dalawang mainstream hotties ang dominanteng napapansin. Dalawang sikat at magagaling na actor on their own right na malamang sa hindi ay magbabangayan para sa tropeo ng pinakamahusay sa kanilang larangan ngayong taon.  Mula sa bakuran ng GMA7 nariyan si DENNIS TRILLO para sa thriller-suspense na ‘ANG KATIWALA’ at  si JM DE GUZMAN naman ng ABS2 para sa ‘INTOY SYOKOY NG KALYE MARINO’.  Kapwa may pinatunayan sa pag-arte sa kanilang mga nilabasang serye at pelikula , nguni’t dahil sila ngayon ay gumaganap sa mga pelikulang  independente ang kanilang dating ay nakasalalay sa malayang pagpapalaganap ng isang konseptong pang indielikula.  Sa mga naunang press release, ang ‘Intoy…’ raw ay mapangahas at nagpapahiwatig na ito ay nasa dyanrang ‘bold’; samantalang sa ‘Ang Katiwala’ naman ay iikot ang kwento sa hiwagang dulot ng isang abandonadong mansyon.  Kinikilig ang karamihan tuwing nababanggit ang mga pangalang JM DE GUZMAN at DENNIS TRILLO, harinawang mas kikiligin kami sa galing na kanilang ipamamalas sa kanilang mga lahot sa CINEMALAYA 2012 INDEPENDENT FILM CINEMA!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s