DARK HORSES OF CINEMALAYA 8 : NICO , ALBIE , KRISTOFFER & DOMINIC!


Sa bagong panahon ng cinema, sinasabing mas exciting panoorin ang mga kalalakihang umarte. As in. Static lang kasi ang acting style ng female actors dahil ang range nila ay nakasalalay sa typical feminine walls na soft at fragile. Sa male actors kasi, mas nakamamangha ang lapad ng mahihitang acting horizon dahil kinakaya nilang mag-ultra soft hanggang sa extreme opposite nito. Kaya naman nang mabungaran ko ang ilang mga players sa mga pelikulang lahok sa Cinemalaya 8, napansin ko na mayroong apat na sa dating at porma pa lang sa posters at screencaps ay nakakatangay-ulirat.  Alam naman nating ang mga entries sa Independent Film Festival na ito ay tumatahak sa mala-out-of-the-box story-telling styles  kung kaya’t mas lalong nakakaintrigang isipin ang karanasang mapapala sa indielikulang kinasasangkutan nina NICO ANTONIO , ALBIE CASIÑO, KRISTOFFER MARTIN at DOMINIC ROCO!

NICO ANTONIO . Siya si Jestoni Biag sa ‘POSAS’, isang law student na kinailangang sumalungat sa batas bilang isang snatcher dahil sa kahirapan. Sa lasa ng maraming mga showbiz insiders, parang hinihinog si Nico upang maging isang character action actor dahil na rin sa kanyang features. Matipunong katawan, kayumangging kaligatan at may ‘pilyong’ ngiti. Perfect!

ALBIE CASIÑO.  Tipikal na happy-go-lucky teenager ang papel ni Albie sa ‘THE ANIMALS‘.  So , malamang na maraming mga eksenang aksyon at kalokohan ang mararanasan mula sa kanyang papel.  Mestiso at may isang nakakaintrigang showbiz image, puede rin segurong tumalon sa kanyang pagganap ang lahat ng kanyang karanasang pinagdaanan lately sa tunay na buhay.

KRISTOFFER MARTIN. Mga taong nabubuhay sa pangangalakal ng mga bangkay ay karamihang nasa ‘OROS’ kung saan naman ay parang ‘marumi’ si Kristoffer.  Makakatalaktakan nya rito sa aktingan ang tukayong si Kristoffer King.  Kapansin-pansin lagi ang kaguwapuhan niya sa mga teeny-booper roles sa mga GMA shows, pero tiyak na kung may nahigop na galing mula sa kanya, tiyak panalo ‘yon!

DOMINIC ROCCO. Siya naman si Gibson Bonifacio sa “ANG NAWAWALA” ; isang nagbabalikbayang binata na may sindromang sikolohikal dahil bigla na lamang siyang hindi nagsalita, as in.  Sa kanyang pagbabalik mahaharap siya sa iba’t ibang reyalidad na kailangan niyang bigyan ng katuturan sa kanyang buhay.  May depth lagi itong si Dominic, anak yata siya ni Bembol pero higit pa rin ay ang kanyang di matawarang dedikasyon bilang isang aktor.

Huwag kaligtaang panoorin sila sa darating na CINEMALAYA 2012 INDEPENDENT FILM FESTIVAL!

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s