Bagama’t may konting lamlam ang ulap sa ibabaw ng CCP ngayong nakatakda nang buksan nitong muli ang kanilang mga sinehan para sa CINEMALAYA 2012, mayroong kung anong kiliti ang nararamdaman ng ilang mga indie addicts. Kung noong nakaraang taon ay inantabayan nating lahat ang lahok na may EUGENE DOMINGO, this year hindi kayang tawaran ang kahihinatnan ng pestibidades ngayong maghaharap ang dalawang pinakatatanging indie actors ng kanilang henerasyon. Obyus bang sina COCO MARTIN at KRISTOFFER KING ang aking tinutukoy? Oo at naroon na tayo sa katotohanang napakalayo na ng nilakbay ni Coco sa kanyang career ; nguni’t hindi rin naman pahuhuli si Kristoffer dahil kung tutuusin ay napakarami rin niyang pinalakpakang pag-ganap. Si Coco ay gaganap bilang ama sa isang kasaysayang may balot ng hiwaga sa ‘STA NIÑA’, samantalang si Kristoffer ay mapapasabak sa masalimuot ng mundo ng sugalan sa ‘OROS’. Kapwa mabibigat na papel na ang dulo ay kung sino ang tanghaling HARI sa Cinemalaya 2012 Independent Film Festival! At heto pa… papatawid na rin pala itong si Kristoffer King sa mainstream tv sa pamamagitan ng isang teleserye with no less Senator Lito Lapid! Abangan!
Related articles
- Emmanuel Palo’s “Santa Nina” – Cinemalaya 2012 (i626leo.typepad.com)
- Cinemalaya 2012 pays tribute to Mario O’ Hara with film retrospective (entertainment.inquirer.net)
- ‘ANG MGA KIDNAPER NI RONNIE LAZARO’ AT CINEMALAYA 2012 on JULY 26! (aliwanavenue.wordpress.com)