JESS MENDOZA sa ‘PINTADA’


JESS MENDOZA & MARTIN DEL ROSARIO sa ‘PINTADA’

Mukhang tuloy pa rin ang exodus ng mga indie actors papunta sa mas malawak na hiwa ng industriyang libangan sa Pilipinas.  Hindi rin tatawaran ang angkin nilang talento sa pag-arte nariyan na nga sina COCO MARTIN at MERCEDES CABRAL na namamayagpag sa mundo ng telebisyon.  Heto naman ngayon at unti-unti nang iguguhit ng isang JESS MENDOZA ang kanyang imahe at pangalan sa panghapon (o early evening?) na PHR ng ABS2.  Sa ‘PINTADA’ na pinangungunahan ni MARTIN DEL ROSARIO at DENISE LAUREL ang magsisilbing litmus test niya bilang tv star. Nang tanungin ko siya kung ano kanyang role sa pamamagitan ng chat ay heto ang kanyang reply:“Bestfriend po ako ni Sev (Martin Del Rosario). Working student ako at tumatayong padre de pamilya dahil nstroke yung tatay ko dito. Ako po yung nag-aadvise kay Sev about (sa) love affair niya kay Lysa (Denise)” . Para sa mga indienatics , surely matatandaan nila si JESS sa mga indielikulang BEN AND SAM, BROD, Taksikab at  The Natural Phenomenon of Madness.  Sa ‘The Natural Phenomenon…’ ay nanominate pa siyang best actor noong isang taon.  Nakasama ko sa isang  eksena si Jess sa ‘TAKSIKAB’ ni Archie Del Mundo at in-between takes ay nabanggit niya sa akin na talagang ‘passion’ niya ang pag-arte at umaasa siya that time na harinawang mapenetrate niya ang mainstream. Ipapalabas na sa lunes ng hapon ang PINTADA sa ABS CBN 2 bago mag ARYANA.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s