Makaraang ipalalabas sa Hulyo 26 sa CINEMALAYA 2012 , muling mapapanood ‘ANG MGA KIDNAPER NI RONNIE LAZARO’ sa AGOSTO 4, 2012 ; alas 7:30 N.G. sa UP FILM CENTER. Matatandaang pinagkaguluhan ito sa unang Sineng Pambansa National Film Festival ng Film Development Council of the Philippines na ginanap nitong nakaraang Hunyo 29-Hulyo 3 sa Davao City. Sa panulat at direksyon ni SIGFREID BARROS-SANCHEZ, Ang “MGA KIDNAPER NI RONNIE LAZARO” ay isang black comedy tungkol sa magkakaibigang nagkaisang kidnapin ang character actor na si Ronnie Lazaro. Tampok syempre si RONNIE LAZARO bilang ‘himself’ at sina : NONIE BUENCAMINO, EPY QUIZON, DWIGHT GASTON, SOLIMAN CRUZ, RAUL MORIT, HECTOR MACASO, MON LEE, MONET DELA CRUZ-GASTON, ROENCE SANTOS, SHAMAINE CENTENERA BUENCAMINO, MERCEDES CABRAL, TADO, RAMON BAUTISTA, JUN SABAYTON, XIXI MATURAN, BOMBI PLATA, FRANK CORONA, PIPO ALFAD III, ICKAY EUSEBIO, BUHAWI MENESES, DONG ABAY, JIM LIBIRAN, MIDEO CRUZ, at JOEL TORRE. Nakamit ng ‘MGA KIDNAPER NI RONNIE LAZARO’ ang GRAND FESTIVAL PRIZE at sama-samang nanalo bilang BEST ACTOR naman sina Nonie Buencamino, Epy Quizon, Dwight Gaston, Soliman Cruz, Hector Macaso, Mon Lee, Raul Morit and Ronnie Lazaro.
Kaalinsabay nito, ipapalabas rin ang isa pang obra ni Barros-Sanchez na “IN BANGKA HA UT SIN DUWA SAPAH” sa kaparehong araw nguni’t sa mas maagang oras na alas 5 n.h. Ang pelikulang ito ay kasali rin sa Sineng Pambansa at nanalong Best Actress si SUE PRADO para sa kanyang papel bilang isang inang kinailangang ihatid sa kaliwang pampang ng sapa ang mga anak na nagsisipag-aral sa pamamagitan ng isang balsang gawa sa puno ng saging.
Related articles
- Moro filmmaker’s “Qiyamah” ties for Grand Jury prize in national film fest (mindanews.com)
- 6 Mindanao entries finalists in National Film Fest (mindanews.com)
- ‘Manila’ is star of British film (entertainment.inquirer.net)