It is of excitable levels na sabihing lumalawak na ang napupuntahan ng pagpupursige ni LLOYD ABELLA sa mundo ng showbiz. Maalalang nitong nakaraan lang ay may mga floaters siya dito sa Aliwan Avenue at ngayon nga kasama siya sa ‘PEPE (The Making of a Hero)’ , isang indie film na tumatalakay sa kabataan ni Jose Rizal sa direksyon ni Carlos Morales. Challenging at pivotal ang kanyang ginagampanang papel dahil siya si Paciano, ang kuya ni Pepe na siyang naging gabay sa buhay nito. Kasama rito ni Lloyd sina Jao Mapa, Sharmaine Suarez, Joseph Bitangcol, Mosang, at marami pang iba. Ayon kay Madam Maricor Abella , ang loving mom ni Lloyd, ipapalabas ito next month sa mga digicinemas. Next month din ay tatakbo ang unang tv ad ni Lloyd para sa BINGO CHOCO BISCUITS kung saan ay siya mismo ang lead endorser. Ang lahat ng ito sa kabila ng pagiging masipag na estudyante ng binata sa Saint Benilde. With the kind of energy and determination that Lloyd Abella is exuding, hindi malayong magiging bukambibig ang kanyang pangalan sa industriya!
Related articles
- Genealogy of Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda: The Philippine National Hero (thesciencebulletin.wordpress.com)
- Kabanata 40 el filibusterismo (prospercrook.typepad.com)
- Jose rizal chapter 23 summary (sampsonstrickla.typepad.com)
Pingback: LLOYD ABELLA : ‘SO GOOD! SARAP’ | ALIWAN AVENUE