Hindi na katakatakang biglang magsilutangan sa ere ang palipad hangin ng ilang showbiz personalities sa kanilang hangaring tumakbo sa darating na 2013 local elections. Syempre pa para makarami na rin ng hatak at ‘sponsors’ na mga negosyante this early. Akala namin ang pinakaridikolosong tangka ay yaong kay Aga Muhlach na buong tigas ng mukha na nagpahayag na tatakbo siyang congressman para isang distrito sa CamSur ; ridikoloso dahil biglaan na lang na sinabi niyang tagaroon siya. But wait! Hindi pala siya ang pinakasurreal kundi itong si Philip Salvador na nag-confirm nang kakandidato siyang bise gobernador ng Bulacan. Well and good, pero di ba naunsyami ang kanyang political ambitions noon sa Pasay? Kung hindi umobra dun, doon naman sa iba? Lalong naging kontrobersyal ang usaping ito dahil ang incumbent na si Daniel Fernando ay tatakbo uli for reelection. So salpukan ng dalawang artista sa Bulacan? Medyo kakabugin yata si Daniel dahil kung showbiz hierarchy ang pagbatayan, maari nating sabihin na mas senior si Philip; but then may tatak rin at respetado sa industriya si Daniel. Pero definitely, mas papaboran seguro ng mga taga-Bulacan si Fernando (Cesar Ramirez, sa totoong buhay) dahil subok na nila ang paglilingkod nito para sa kanilang kapakanan. Isa pa, ‘clean slate’ siya at never na nagkaroon ng nakagugulat na mga demandang kinasangkutan ni Salvador katulad noong sa kanila ng dating asawa at kinasama. Ano sa palagay nyo mga eKLAvUMERS?
Related articles
- surprises let me know who cares (painfullynice.wordpress.com)
- Si John Lloyd Cruz at ang Pag-asang Dala Niya Para sa Ating mga Puso (hahalat.wordpress.com)
- Ang Alamat Ng “Moving On”. (iprovoked.wordpress.com)
- When Boredom Visits My Workstation (pedrostories.wordpress.com)
IPE….ang politika hindi katulad ng mga mayayamang matrona na paglalaruan mo at pagkukuwartahan… magsitigil ka.. ayusin mo ang buhay bago mo pakialaman ang buhay ng mga nanahimik ng tao ng bulacan…. STFU!