’80s BLIND TRIVIA OVERLOAD


USO PA BA ANG STUNTMEN? Kasabay sa pagsikat ng mga action stars ay ang paglipana naman ng mga stuntmen. Nandun lang sila sa set ‘nagwawarm-up’ at hinihintay ang  tawag ng stunt/fight director para maisalang sa mga eksenang umaatikabong bakbakan at aksyon. Karamihan sa mga may itsurang stuntmen ay malimit na nauuwi ng mga bakla sa set … ng direktor, ng producer, ng mga kaibigan ng producer at direktor, at yaong mga ‘sinuswerte’ naman ay naiuuwi ng mga matronang artista… ginagawa silang ‘boytoy‘ at mayroon din namang nagkakarelasyon talaga sa mga iyon. May mga sumikat din pero hindi lang dahil sa talento nila sa harap ng kamera kundi maging sa likod nito..

… May iilan din pelikula noong 80s na hindi natapos. isa rito ay sobrang naging traumatic sa isang bold actress dahil niloko siya ng direktor, ng mga manggagamit na mga staff niyang tomboy at syempre ang kawalan niya ng LOGISTIC para maisakatuparan in a professional process ang pantasya nya. ayon sa mga nakapanood sa rushes ng nasabing pelikula na ishinuting sa dagat; wala na itong value at higit sa lahat puro ‘trippings’ lang ng direktor… ngayon, balita rawng inilalako uli ang konsepto nito para ‘raw’ matapos. hello? BAYARAN muna nila ang lahat ng artista at staff nila bago sila magpantasyang buhayin ang PATAY. Most specially BAYARAN muna nila si Ms. Daria Ramirez among other actors , noh?

Meron pa akong 80s trivia overload : Sikat na bugaw ang talent manager, baket sikat? Avah, lantaran niyang ipinagyabang na ‘naibenta’ niya ang isang talent niyang lalake sa halaga na tumataginting na 1M sa isang vaklush na produ! O davah? Marami rin siyang hawak na mga artista at beauty queens na pakangkang kaya super high living siya for his status noh? After a while, bigla siyang bumabu at gumora sa isteyts dahil hanggang leeg na ang moral at financial liabilities nya at nanganganib na literally ang leeg nya! Well, I best remember him as someone na ipinabugbog ng isang namayapang tv host/producer dahil lamang sa 10K! Actually, tatlong araw siyang ‘hinostage’ habang hindi niya naibabalik ang nasabing halaga. Imagine, nakapagbenta ng laman sa 1M tapos nabugbog sa 10K? Karma works in such hilarious ways!

One comment on “’80s BLIND TRIVIA OVERLOAD

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s