
o, ayan Swarding… tinetext ka na ni Bistek!
Nag-iingay na naman si Tita Swarding. Hindi niya maubos-isip kung bakit pinaikot-ikot pa siya nang hingan niya ng tulong si Mayor Herbert Bautista ng Quezon City. Inihingi niya ng tulong ang ‘ina ng kanyang mga anak’ na si Bechay. ‘Ina ng aking mga anak’ ang phrase niya patungkol sa babaeng inanakan niya ng may lima yata o anim na supling. Nagkasakit kasi ito at nangailangang operahan sa gall bladder. Sinasabi ng beteranong brodkaster na napudpod na raw ang kanyang daliri sa katetext kay Harlene (sister ni Bistek at tumatayo yatang girl friday) para umamot ng tulong pinansyal. Hindi raw ito sumasagot at nairaos na ang lahat nang nagreply sa pasyente mismo ng : “Gud pm mam requirements po natin sa medical assistance personal letter, medical abstract, copy po ng hospital bill, certification of indigency sa barangay po nakukuha un. pag ok na po sa office pahanap ako mam. at ang isa wala po si kuya. ito po yung txt sa office ni bistek, pasensya na po late reply. God bless po.” Lalong naghasik ang gigil at galit ni Swarding dahil wika niya ay itinuring niyang ‘mga anak’ ang Bautista siblings at close raw talaga siya sa tiyahin at ina ng mga ito. Sa puntong ito medyo may sabit si Tita Swarding, kasi humihingi siya ng tulong sa Mayor bilang isang constituent at hindi na niya dapat pang isipin kung ano ang kanyang koneksyon rito. Kung kaibigan pala o may utang na loob sa constituent ay dapat unahin? Palakasan ba ito? What Swarding should have done was to make kalampag personally kay Bistek at harapang humingi ng tabang pinansyal o medikal. Syempre kung nagtext lamang siya at dinaanan kay Harlene, itatrato itong isa sa libu-libong nangangailangan din na dapat dumaan sa proseso. At, sa estado ni Swarding hindi yata kapanipaniwalang hindi nya kayang ipagamot ang ‘ina ng kanyang mga anak’. Heto nga at mukhang nagsisimula ng isang HATE CAMPAIGN ang brodkaster para idis-credit si Bistek while calling him irresponsible and an ingrate. Paging FACE TO FACE? choz!
Related articles
- UNA ignores Pimentel, includes Zubiri in Senate lineup (newsinfo.inquirer.net)
- QC eyes CCTV cameras in public schools (newsinfo.inquirer.net)
- Children and Human Rights (thisgirlwillgoplaces.wordpress.com)
- Direk listens. (simplecomplexities.wordpress.com)