BRADLEY : DESIDIDONG PALULUHURIN SI PACQUIAO!


Juzagan uli ng fez sa Linggo!  Bagama’t hindi kasing hyped ng mga nakaraang laban ni PACQUIAO , marami ang nagbabakasakali uling mananalo sa bagong kasagupa sa ring na si BRADLEY. Ganun. Last name basis lang tayo dahil hindi naman tayo close sa dalawang ‘yan noh? At isa pa, hindi po ako nanonood ng boksing for the main reason na ito ay isang mapanira at brutal na isport.  Lately nga lang ay isinapubliko ni Pacquiao ang kanyang mahigpit na pagyakap ‘muli’ sa bibliya at parang lorong nagko-qoute ng mga sayings mula sa banal na aklat.  Ito ay isang bagay na dapat ay sinarili na lang sana niya dahil nagkakaroon ito ng conflict sa kanyang pinagkakakitaang raket.  Hindi dapat ginagawang parang publicity lang ang lahat dahil ang spiritual enlightenment ay isang personal na bagay na kapag tangan ng isang tao ay mararamdaman ng lahat ng nakapalibot sa kanya kahit isa siyang pipi.  Wala namang masama kung tayo ay biglang ‘magkamalay’ sa gitna ng ating makamundong kahibangan at yumapos sa matalinhaga at banal na konsepto ng isang Dakilang Manlilikha nguni’t ang gamitin ito upang pangkalso sa pansariling kalituhan ay medyo despalinhado ang dating.  Huwag sana niyang gawing biro ang maya’t maya ay pagbanggit niya sa kung ano mang diyos na inaari niya dahil baka sa gitna ng kanilang suntukan ni Bradley ay tapikin siya ng TUNAY NA PANGINOON at paluhurin sa kalaban!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s