ANG TATLONG LALAKE SA BUHAY NI MELBA SA ‘ANG MISIS NI MAYOR’!


Bong Cabrera, Marco Morales, Joem Bascon at MARIFE NECESITO sa ‘ANG MISIS NI MAYOR’

Ilang hirit at tilaok na lang ng manok ay biglang papainlanlang sa pinilakang pader ang marahil ay isa sa mga matinding indelikula sa taong ito na pinamagatang ‘ANG MISIS NI MAYOR’.  Sa titulo’t pamagat pa lamang ay may kagat na agad sa panindiman dahil magtatanong ka kaagad sa iyong sarili na : ‘Baket? Ano ang MISIS NI MAYOR?’  Tiyak na hindi mo lulubayang hindi pakaaabangan ang showing nito sa inyong paboritong digital theater upang matighaw ang lahat ng iyong mga pagtatanong.  Produksyon ng EIGHTFOLD PATH CINEMA at sa direksyon ni ARCHIE DEL MUNDO (‘Taksikab’) ; tinatalakay ng panooring ito ang dati nang masalimuot na reyalidad sa lipunan nating batbat ng katiwalian at walang habas na pagkutya sa dignidad ng isang lahi.  Sa katauhan ni MELBA na ginagampanan ng internationally-acclaimed actress na si MARIFE NECESITO, kanya tayong ipapasyal sa mas malalim pang kadahilanan kung bakit kailangang mailahad ang kanyang kwento.  Sa pamamagitan ng tatlong lalake sa kanyang buhay na isinabuhay nina BONG CABRERA , MARCO MORALES at JOEM BASCON lalo nating maranasan ang simbuyo ng mga sari-saring damdaming pag-ibig, pagkapoot, pagkagimbal, pagdurusa , paghihiganti atbp na bumabalot sa mahiwagang mundo ng isang simpleng babae na napasalang sa masigabong kaguluhan ng mundo ng pulitika.  Suportado rito si Marife ng isang matatawag nating powerhouse cast :  Angie Ferro,  , Angelina Kanapi, Johnron Tanada, Julio Diaz,  Maria Isabel Lopez, Roeder,Joe Gruta,Reuben Uy,Issa Litton,Rebecca Padilla,Dante Balaois, Tara Cabaero,  at Xixi Maturan .  Malapit na!

Para sa karagdagang detalye/larawan ng indelikulang ‘ANG MISIS NI MAYOR’  < pakipindot lang ‘yan at nang makapasyal sa FACEBOOK PAGE nito

3 comments on “ANG TATLONG LALAKE SA BUHAY NI MELBA SA ‘ANG MISIS NI MAYOR’!

  1. tapos na po shooting, nag-eedit na at showing na soon, abangan lang po dito sa aliwan avenue ang schedules… tnx!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s