rEMEMBERtHEfACE : ANGELINA KANAPI


ANGELINA KANAPI

Marahil ay pamilyar na rin ang kanyang mukha dahil kabi-kabila ang kanyang mga nilalabasang panoorin sa pelikula at telebisyon.  Masasabi ring mas sikat siya bilang isang stage actress dahil sa entablado talaga ang masasabi niyang kanyang tunay na ‘tahanan’ at pinagmulan.  Nakatatak naman sa mga indie film addicts ang kanyang imahe dahil sa tuhog at nakagigilalas na pagganap niya sa isang eksena doon sa ‘SPONSOR’ ni Mark Shandii Bacolod.  Maya’t maya  ay nasa MMK rin siya at kabi-kabila ang raket sa teatro.  Malapit na naman siyang mapapanood sa ‘ANG MISIS NI MAYOR’ sa direksyon ni ARCHIE DEL MUNDO  bilang bestfriend ng karakter na ‘Melba’ ni Marife Necesito.   Hindi matawaran ang talento nitong si ANGELINA KANAPI sapagka’t masasabing totoong alagad siya ng sining sa pag-arte at isa sa mga bunga ng UP Theater kasabay nina Eugene Domingo, Candy Pangilinan at marami pang iba sa ilalim ng mapanuring paggabay nina Tony Mabesa at Anton Juan.  Isa siya sa mga nagbibigay ng kakaibang ningning ng bawa’t panooring kasama siya… REMEMBER THE FACE : ANGELINA KANAPI!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s