“NO SUCH THING AS THIRD SEX!!!” – Xixi Maturan


Beki? Transgender? Transvestite? Eklatera?

May dementia na ba ang karamihan sa atin? Why is it so hard to understand that there no such thing as ‘THIRD SEX’?!? Dineklara na ng mga siruhanong panlipunan na politically incorrect na gamitin pa ang katawagang iyan sa mga bakla at tomboy.  Kaya lalong nagkakaleche-leche at nililito nito ang estado ng mga homosexual sa buong mundo dahil lumalabas na ‘freakish’ o labag sa naturalisa ng mundo ang kasariang THIRD.  Pero sadyang itinutulak pa rin upang ipamukhang kakaiba raw talaga ang mga bakla at tomboy sa mga lalake at babae.  Lifestyle choice ang pag practice ng homosexuality kung kaya’t kung ano ang iyong ari ay ‘yon ka. Marami na ring salitang palasak nang lumulutang sa usaping ito tulad ng ‘TRANSGENDER’, na angkop raw doon sa mga dating lalake/babae na nagpabago ng kasarian sa pamamagitan ng isang medical procedure ; meaning ‘total’ ; ang isang taong nagpatanim lang ng silicone para irepresenta ang suso nguni’t hindi pa na-reassigned ang ari, ay isa pa ring lalake ; ganun din ang yaong mga nagpatanggal ng susong mga babae nguni’t hindi pa ‘nakabitan’ ng titi, babae pa rin ang kasarian niya. Puede rin siyang tawagin na lamang na ‘TRANSVESTITE’ , o cross-dresser.  Puede kang tawaging ‘Ma’am’ o ‘Sir’ , nguni’t ang legalidad ng iyong pagkatao ay kung ano ang ari mayroon ka sa iyong kapanganakan. Mahirap bang intindihin ‘yon?  Dapat hwag nating idamay ang ‘ilusyon’ sa katotohanan . Maari man nating baluktutin ito nguni’t dapat lagi tayong nagpapakatino sa kung ano talaga tayo.  Ganun din sa ating mga karapatang pantao. Isang kahibangang pilitin natin ang lipunan na igawad sa atin ang katuparan ng isang ILUSYON.  Kaya tayo laging nabubuska dahil masyadong nagpapaka-PUKI o nagpapaka-TITI ang mga homosexual.  Inaapi tayo bilang tao dahil pinapahintulutan nating apihin tayo.  Mamuhay tayo ayon sa matinong panunuri at pamantayan bilang bahagi ng isang mundong balot sa HIWAGA, tadtad sa MATALINHAGANG mga kaganapan at higit sa lahat, mga kinapal ng IISANG DIYOS!

One comment on ““NO SUCH THING AS THIRD SEX!!!” – Xixi Maturan

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s