MAXIMO ATON , TAXI DRIVER : PREMIUM PINOY!


”]KUWENTO NI RAINE CRUZ : Hi guys, I just want to share the experience we had with this guy. Indeed i can call it “a day”… Meron kaming “raket” sa Crowne Plaza Hotel sa Ortigas, tabi ng Robinson’s Galleria. It was a very stressful day. Somehow na-overcome namin. Sobrang nakakapagod…
Uwian time na. Around 6:30pm, sa main entrance ng hotel. Ang hirap maghanap ng masasakyang taxi. Although maraming taxi sa daan, dala na rin ng sobrang traffic at rush hour, karamihan kokontratahin ka. Taytay ang way nmin from Ortigas. After an hour and a half finally nakahanap kami na willing maghatid ng pa-metro lng ang charge then sabi ko dadagdagan na lang namin. Madami kaming dalang gamit pero 2 lng kami na sasakay. Nakarating kami sa bahay, nagulat ako sa metro ng taxi. From Crowne Plaza Ortigas hanggang bayan ng Taytay P163.00 lang ang metro, given na natrapik at halos nakatulog na kami sa bandang Ever Ortigas. Dinoble ko nlng yung bayad sa kanya. Pagkababa ko ng taxi sabi ko kay Hero, “Pare pakibaba na lahat ng gamit magpapapalit lang ako ng barya”. Wala kasing barya si manong. Pagbalik ko naibaba niya na “daw” lahat ng gamit. Dala rin cguro ng pagod hindi namin namalayan na may naiwan pala. Nakaalis na yung taxi nung malaman nmin. Naiwan sa taxi yung BAG.. na ang laman ay laptop at P5000 cash..
Indi namin nakuha yung plate number or anything sa taxi dahil din sa pagod at kagustuhan na lng namin makauwi. Then naalala ko, sa Crowne Plaza kami sumakay, baka nakuha ng security yung plaka ng taxi. Tawag agad ako sa Crowne Plaza. Sabi sakin titignan yung record, tawag ako after 5 minutes.. After 5 minutes, binigay sakin yung plate number at pati cellphone number nung driver! Nagulat ako. Bumilib ako sa security ng hotel na yun.

Tinawagan ko agad yung driver. Pagkasagot niya, sabi ko “Kami pla yung hinatid ninyo ng Taytay kanina lng..” hindi pa ako tapos magsalita sabi niya sakin, “ay oo sir may naiwan kayong bag. Sinubukan kong bumalik sa inyo, ndi ko na matandaan yung lugar narito na ako sa Recto“. Sabi ko sir baka pwedeng makuha ko yung bag kasi importante yung laman. Indi ko sinabi kung ano laman, even though alam ko na pwede niyang tignan yung laman. Sabi niya ibabalik na niya sana sa Crowne Plaza since hindi nya alam kung anung gagwin dun. Sabi ko magkita na lang kami dun para makuha ko. After a while nagtxt siya. “Sir gusto mo sa junction na lang tayu magkita para hindi kana mahirapan..” Nahiya ako, at the same time medyo nagtaka dahil mapapalyo pa sya para lng hindi ako mahirapan. Effort talga si manong. Sinabi ko na lang na pwede po mas malapit with doubt kung magpapakita ba siya or hindi. Mahirap magtiwala agad. Sinama ko si Hero, punta kami ng junction 7-11, sabi ko sa driver dun kami magkita. Indi sya nagreply. Pero after a few minutes, bigla syang dumating at nakangiti pa sa amin. Nawala stress nmin. Naibalik yung laptop ng maayus, pati yung pera na walang bawas at hindi nagalaw.
Para sa akin napakalaking bagay ng effort na ginawa niya, kung tutuusin pera na yun may gamit pa. Binibgyan ko sya ng pera para sa abala ayaw nyang tanggapin. Pero pinilit ko pa din iabot. Nakakatuwang naranasan ko yung ganito. May mga ganitong tao pa pala. Para sa akin saludo ako at hindi lahat ng taxi driver may kalokohan. Salamat Sir! Kudos din Crowne Plaza Security para sa kumpletong detalye ng mga taxing sinasakyan ng mga guests nyo.

MAXIMO ATON
O.L.A. Taxi with Plate number TYZ 619.

Kahit sa pamamagitan lang ng Facebook, gusto kong ipaabot ang lubos na pasasalamat ko. Maliit na bagay man ang post na to sana ng dahil dito makilala ka ng marami.

Saludo ako sayo!

UPDATE : Nakareceive ako ng maraming messages regarding sa number ni Mang Maximo.

Send me a message and i’ll give it to you in private. 🙂

BTW he’s driving a white Toyota VIOS at bibihira din ang Taxi na may RESIBO sa metro. Thanks sa feedback pls keep sharing this story! Thanks and God bless!

3 comments on “MAXIMO ATON , TAXI DRIVER : PREMIUM PINOY!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s