rEMEMBERtHEfACE : GIGI DUEÑAS


GIGI DUEÑAS

Sa obra ni ISHMAEL BERNAL na ‘HIMALA’ , maliban kay Elsa hindi natin maiwaksi sa isipan si Nimia, ang kanyang kababatang umuwi sa kanilang isinumpang baryo nang dinudumog na ito ng mga panatiko at may sakit at nagtayo ng kabaret.  Pangunahing tauhan si Nimia dahil siya ang tumatayong hukstaposisyon sa katauhang diumano ay pinagpakitaan ng mahal na birhen.  Si Superstar Nora Aunor si Elsa at kung isa kang matalas at wagas na Pinoy film buff, ang gumanap na NIMIA ay si GIGI DUEÑAS.  Bagama’t maituturing na isa sa mga batikang diva ng entablado ilang dekada na rin ang nakararaan, bihira ang mga nilabasang pelikula ni Gigi,kasama na riyan ang ORO,PLATA, MATA kung saan kuha ang larawan sa taas…  Matangkad at PilipinangPilipina ang kayumangging kaligatang balat , kay hirap limutin ang imaheng kanyang itinatak sa obra maestra ni Ishmael Bernal.  Fast forward 2012, si Gigi ngayon ay butihing maybahay ng isang Frenchman at mas kilala na siya bilang  Gigi de Beaupré .  FB friends kami ni Ms. Gigi and am sure kapag natisuran niya ito ay mayroon pa siyang mga karagdagan kwento tungkol sa kanyang makulay na showbiz career!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s