SUPERSTAR NORA AUNOR at BRILLIANTE MENDOZA MAGSASANIB PUWERSA SA ‘THY WOMB’!


UltraPowerCast ng 'THY WOMB' ni Brilliante Mendoza

Wala na segurong makapipigil pa sa paggiling ng kamera at pagdaloy ng malikhaing dagta ni Brilliante Mendoza ngayong nakahandang magshooting ang kanyang pelikulang ‘THY WOMB’.  Dobleng kilig rin ito para sa  premyadong direktor dahil ang kanyang pangunahing artista ay ang nag-iisang SUPERSTAR NORA AUNOR lang naman! “In terms of look, it’s gonna be a lot… panoramic!” , ang tanging nasambit niya dahil ang kabuoan nito ay ilalatag sa matulaing mga lugar sa TawiTawi. Sa ngayon ay wala pang mga detalyeng mapipiga mula sa produksyon nguni’t tiyak nang kasama ni Ate Guy sina Lovi Poe, Bembol Roco at ang Indie Queen na si MERCEDES CABRAL!  ABANGAN!

UPDATE NI REY PUMALOY , April 11, 2012: Sa Sabado na ang alis ng Superstar na si Nora Aunor patu­ngong Tawi-Tawi para sa shooting ng indie film na ididirek ni Brilliante Dante Mendoza, kasama sina Lovi Poe, Mercedes Cabral at Bembol Rocco, ang Thy Womb. Hindi maiwasang kabahan ni La Aunor sa pagtungo sa Tawi-Tawi dahil bukod sa pinakadulo na ito ng Mindanao, may mga naririnig siyang bali-balita tungkol sa naturang lugar.

Sabi nga ni Nora nu’ng makausap namin sa inauguration ng Noranians World Wide at get-together party niya para sa mga fans niya, first time niya uling gagawa ng isang pelikula na malayo ang location. Pero, tiniyak naman ng manager niyang si Boy Palma na magiging safe ang shooting ni Nora sa Tawi-Tawi dahil humingi na ng military assistance ang production ni Dante sa lahat ng pupuntahan nila sa nasabing lugar. Ayaw sabihin ni Boy kung saan eksaktong lugar magsu-shooting si Nora sa Tawi-Tawi para hindi raw ito sugurin ng mga fans ng superstar na nakatira roon na nagnanais na makita siya ng personal. At seguridad din ang inaalala ng production para sa actress-singer at pati na sa iba pa nilang mga artistang kasama. Bawal din ang media na dumalaw sa location para hindi raw maantala ang shooting nila. Maliban sa character nitong Badjao, wala nang iba pang ibinigay na detalye si Nora sa kung ano ang story line ng pelikula. Nag-aalala ang Superstar na baka ma­galit ang kanyang director kapag ibinahagi niya sa press ang kuwento ng pelikula. No script ang magiging sistema sa shooting ng Thy Womb. Mismong si Nora ang nag-suggest na sa shooting na lang mismo isipin ang mga dialogues para maging makatotohanan ang kanilang mga sasabihin. Malaking challenge ito para sa Superstar at sa iba pang cast dahil kasama sila sa pag-iisip ng mga dialogues nila sa pelikula. Sinigurado naman ni Nora na hindi sila malilihis sa konsepto at sa gustong tumbukin ng kanilang pelikula dahil may story board na si Direk Brilliante.Labinlimang araw mananatili si Nora sa Tawi-Tawi.

Siyanga pala, desidido si Nora na gawing solid ang kanyang fans club at tulungan ang mga ito. Ilan sa mga plano niya ay ang bigyan ng livelihood program ang mga ito. Katunayan, nagbi­gay na siya ng P100K bilang seed money para sa NOW. Gusto rin niyang ipagpatuloy ang naantalahang scholarship para sa mga anak o apo ng matagal na niyang fans.  Plano rin niyang bumuo ng voice lesson session para sa mga anak o apo ng mga fans niya na may potential sa pagkanta. Pero bago ang lahat ng ito, maghahanap daw muna siya ng office para sa NOW para ito na ang magiging headquarters ng kanyang mga fans. Ang pagiging solid ng kanyang mga fans ang isa sa mga matagal ng pangarap ni Nora. Sa April 30 ang balik ni Nora sa Manila. Naka-schedule rin siyang bumalik sa Boston para sa pagpapa-check up ng kanyang lalamunan. Sa halip na bumuti, bumalik sa dati ang sama ng boses ni Nora na napansin namin nu’ng makatsikahan namin siya sa get-together party niya para sa kanyang fans sa Aberdeen Court. Hirap na hirap si Nora na magsalita uli at inamin niyang hindi bumuti ang kundisyon ng kanyang boses. Kaya malabong mag-concert si Nora sa May 21 na birthday niya dahil sa kanyang boses. Pero kung sakaling magamot ang la­lamunan niya, siguradong kakanta ito sa 45th showbiz anniversary celebration niya bago matapos ang 2012.

5 comments on “SUPERSTAR NORA AUNOR at BRILLIANTE MENDOZA MAGSASANIB PUWERSA SA ‘THY WOMB’!

  1. ang pagbabalik ng na tatanging kalidad na pilikula na nag tutugon sa tunay na kalidad ng pilikulang pang mundo at international awards go nora ang natatanging walang katulad

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s