BORGY MANOTOC AYAW TUMUTOK!


BORGY MANOTOC

Noong aming kabataan (?) para kong twin sister si IMEE MARCOS.  At komo kakontemporaryo ko siya sa edad hindi katakatakang magkrus ang aming landas nang jumoinalynviray ang byuti ko sa DULAANG KABATAANG BARANGAY. Mabait is E-MI as what we called her then.  At lagi niyang pinapaunlakan ang mga paanyaya namin sa lahat ng aming mga activities.  Hindi mo mafeel na anak siya ng presidente dahil sobra siyang makapagbiro at madali mo siyang makapalagayang loob.  Very charismatic ang personality niya kung kaya’t since day one ay itinuring ko siyang tunay na shufatidrils.  Kahit na nga ngayong Katandaang Barangay na aketch, di ko pa rin mapigilang humanga sa kanyang poise at katatagan ng loob.  At dahil visible naman ang anak niyang si BORGY kay Tommy Manotoc na unang naging jowa ni Aurora Pijuan; nabaling naman ang aking atensyon sa sigasig ng binata sa larangan ng fashion at modelling.  Merong panahong hinog na hinog na sana siya at kung itinambal siya sa anak ni Sharon Cuneta na noo’y sariwa pa sa aking paningin di sana malayong naging sensational at phenomenal ang kanilang tandem.  Kaso wiz feel ni Borgy ang umarte. Ang main reason niya ay hindi siya matatas magtagalog.  Hello? Eh, di gawing english ang dialogues! Choz.

Speaking of Borgy. Hindi ko makalimutan ang minsang muntik na kaming magbanggaan sa Glorietta noong 2005 ata yon. Kahit medyo mas matangkad ako sa kanya ng ilang inches, halos maglapat ang aming mga mukha. Momentarily natigilan ako kasi biglang pamilyar ang mukhang nasa harap ko .  Nang matanto kong si Borgy , kumabig ako pero hinawakan niya ang aking kamay sabay nag-sorry.  Kinilig ako slight and was about to come up with some quick talk pero hinila na siya ng isang mujer na kasama pala niya.  Nastarstruck ako pero nang irewind ko sa aking mind ang eksaktong eksena napansin kong naka-make-up siya. Yon na!

Larawang kupas mula sa baul ng yumaong si Dindo Catral... Si Imee Marcos nasa gitna. Ako yang naka-tuxedo! Isang pagtatanghal ng DULAANG KABATAANG BARANGAY BATANGAS CHAPTER circa1978!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s