Bisyo na nating mga haling sa musika ang dumiskober ng mga bagong talento sa pamamagitan ng pakikinig sa radyo. Lately, heto at merong boses na nakatawag pansin sa ating pihikang ears. Totoo din naman ang hula nating ito ay isang VIVA talent dahil bugbog sa airtime ang awiting ‘TO REACH YOU”. Sa pamamagitan ni Mrs. Google, napag-alamang kontesera since birth pala ang singer na si ANJA AGUILAR at isa pala siyang ASAP regular. Dati rin siyang miyembro ng POPGIRLS at naging winner sa Little Big Star ng ABS2. Maraming nagsasabing kaboses raw niya si Sarah Geronimo , pero according to my really discriminating ears ay hindi naman. Perhaps in some ‘climbing strains’ pero basically may sarili siyang timbre at unfair sa kanya to be compared. This 19 year old chanteuse is making kabog to the industry now with her self-titled album! Avahhhh, mapakinggan nga! Kaya lang dapat sana dinouble check ng production ang pronunciation nya ng ‘tomorrow’ at ‘sorrow’ before they approved the final cut …
Mar
29
2012